Dating sexy singer actress na si Gem Castillo masaya na ang buhay ngayon sa labas ng showbiz

( Mayor Vic Amante & wife Gem Castillo)

(by Mildred A. Bacud)

San Pablo Laguna- Binisita namin ang dating isa sa mga hosts, sexy singer actress na si Gem Castillo. Napakaganda na ng buhay nito ngayon sa piling ng asawang si Mayor Vic Amante at apat na anak.

Namangha kami sa ganda ng kanilang bahay at sobrang na-touch sa init ng kanilang pagtanggap sa aming press people, kasama ng aking mga kasamahan sa PMPC na sina , Fernan "Ms. F" de Guzman, direk Joey Austria, Boy Romero at  Rommel Placente. Sa imbitasyon 'yan ni Arlene Amoroto na malapit sa dating singer actress. 
Kita sa awra ni Mayora ang contentment ng pagiging maybahay nito at ramdam ang fulfillment ng kaniyang pagtulong. Tamang tama na sa aming pagdalaw ay nag-ikot sa limang orphanages si Mayora kasama ang mga anak at Gaisano family para mamahagi ng tulong. Kaarawan din kasi 'yun ng anak niyang si Alondra na pinili raw mag-share ng blessings kaysa magpa-party. 

Mahabang tsikahan naman ang naganap sa aming interview dahil matagal tagal na panahon ding  hindi naging aktibo sa showbiz si Gwen. 
Kumusta na nga ba siya ngayon?

"Well ito very busy. Isa rin ako sa mga nalalapitan din bukod kay Mayor. Isa sa mga nagpapahatid din ng mga kailangan nilang tulong. Ako yung nagiging way. Sa akin nagsasabi pero it's okay. 

Nasaksihan namin ang pag-ikot niya sa mga orphanages. Matagal na ba niya itong ginagawa?

"Thrice a year naming ginagawa ya'n. Maski naman dati pa nung nagda- Thats (Entertainment) pa tayo so every year tumutulong talaga tayo."

Paano nga niya mailalarawan ang buhay niya ngayon sa labas ng showbiz. Gaano siya ka-fulfilled bilang ina?

" Siyempre nanay na ako ,I have 4 kids. Yung eldest ko is Summa Cum Laude sa New York. Yung three kids ko dito nag-aaral sa Brent, lahat sila honor students. Bilang nanay siguro yun na ang pinakamasaya. Of course I've a good husband, napakabait at matulungin. 

" Actually, ito na yung 7 or 8 na Mayor siya, so 27 years na siyang Mayor."

Wala bang pagsisisi na iniwan niya ang showbiz?

"Yeah. Masaya at saka mas marami tayong natutulungan ngayon."

Wala bang takot dati sa pagkajaroon ng asawang politician?

" Wala naman. Siya nga yung nagturo na lawakan mo pa yung pagbibigay mo ng tulong. Siyempre dati kung ano lang yung naaabot ko. Ngayun nandyan siya, mas marami ang nagbebenefit."

Kapag politician at lapitin daw ng babae ang asawa. Wala ba siyang takot?

"Feeling ko yun naman ang laban ko, " hoy ang ganda ng anak mo ngayun ha.' Dinadaan ko na lang sa joke. Sinasabi ko na upgraded ang lahi mo  Actually natutuwa siya sa mga bata lalu na matatalino."

May plano ba in the future na pasukin ang pulitika?

" Parang ang gusto ko lang muna ngayon ay yung tumulong.Mahirap matali d'yan. Makakatulong ka naman ng wala ka sa posisyon."

Pero hindi ba niya sinasara ang kaniyang pintuan?

" We dont know eh. Pwede kong sabihing hindi pero makita niyo na... Let us see."

May mga nage-encourage ba sa kaniya na tumakbo sa susunod na eleksyon?
" Marami pero sabi ko ako na lang muna sa likod ng asawa ko ."
Nagbalik tanaw naman kami nung mga panahong aktibo siya sa showbiz. Kailan nga ba siya napasok sa programang binuo ng yumaong si German Moreno, ang That's Entertainment?

" Batch 1994 ako. Two years bago magsara. Ang mga kabatch ko sina Rufa Mae Quinto, Judy Ann Santos, Assunta de Rossi, Kyla at naging close ko si Kim delos Santos."

" Kami ni Kim yung tipong nagji-jeep, nagtataxi dati. Alam mo yung dati lahat sila kumakain sa Wendy's, kami share ng food o hati kami, chip in."

Naranasan ba niya no'n ang maliitin at matarayan sa showbiz dahil lamang sa baguhan lang siya?

" Maeencounter mo naman yan, especially yung matatagal na sa showbiz pero its okay . Mas maganda nga yung naranasan mo 'yan kasi parang naiisip mo kailangang may gawin ka."

"Pero hindi naman bully  Siyempre sila nauna na. Ako wala naman akong relatives na artista, ako lang pero wala naman problema."

Yung mga nanlait sa kaniya dati kung lumapit ngayun sa kaniya ay ano ang gagawin niya?

"Everybody is welcome. Let go kung ano man yung hindi maganda. Pangit 'yan dalhin. It's a bad vibes.Let's be positive. "

Kinuwento pa ni Mayora na nakapunta na rin naman sa bahay niya ang mga dating kasabayan tulad nina Ursula Ortiz, Sabrina M., Jimmy, Karla Estrada,Natasha Ledesma at Katrina Paula.

" Masaya sila sa naabot ko at kung ano mang naachieve ko sa buhay. Sabi ko nga share your blessings. Kapag may kailangan gawin o kailangan ko sila nagtutulungan. "

Natutunan sa That's Entertainment?

"Kung walang That's Entertainment, kay kuya Germs, wala kaming lahat dito. Naging way namin yan. Hindi ako natutong kumanta o umarte kung di dahil sa Thats."

Anong mga pelikula ang mga nagawa niya at  bilang singer anong kanta ang mga nagawa niya?

" Well, nagkaroon ako ng self-titled album na si Vehnee Saturno ang composer. Ako yung nag-tagalog version ng Otada song, yung 'For You.' Nag-number one pa siya sa chart no'n. Nang mawalay ka ang title nung isa pang kanta. "

" Sa movies naman ang launching movie ko yung "Babae sa Isla Azul," leading man ko si Isko Moreno. Tapos "Boy Indian," " Anak Ng Yakuza," with Glydel Mercado."

" I've done mga 18 movies kasi pero limited kasi hindi ko kayang makipagsabayan sa pagpapaseksi talaga. Konting sexy lang. Hindi ko kaya yung nudity talaga. Pero start ko talaga na movie yung sa "Syota Kong Balikbayan," with Fernando Poe Jr. at Anjanette Abayari. Friendship lang no Anjanette ang role ko dun. "

Sa pelikulang ito raw nagsimula ang pagiging bida niya nang madiscover ni Kaka Balagtas kaya naman nabigyan sila ng pelikulang "Pusong Hiram," with Rita Magdalena,JC Bonnin at Emilio Garcia. First movie niya na bida silang apat. 

Namiss naman daw ni Gem ang showbiz pero sobrang busy na rin niya sa buhay. Hands on mom din daw kasi siya.

Wala ba sa anak niya ang nakikitaan niyang may interes sa showbiz?

" Actually yung eldest ko maganda siya. Maraming kumukuha sa kaniya pero mas nagconcentrate siya sa studies kaya okay lang. Yung bunso ko ang parang. Kasi naging commercial model siya ng Alaska at SM kaya feeling ko yun ang may gusto. Saka hindi siya nahihiyang umarte arte."

Nasa kaniya na ang lahat. Perfect family and life. Nagkakaroon pa ba siya ng problema?

"Meron naman pero huwag ng i-entertain ang problema kasi negative yan sa buhay. Always be happy. You cannot concentrate sa pera lang. Ang pera di mo madadala sa hukay. Enjoy your money pero share your blessing."

What keeps her grounded sa kabila ng nasa kaniya na nga ang lahat?

" Hindi mo pwede ipagmalaki ang status mo sa buhay. Ang buhay ng tao parang gulong. Ngayun pwedeng nasa ibabaw ka, how about nasa ilalim ka sa susunod. You have to be thankful everyday."

Sino naman sa mga veteran stars ang hanggang ngayun ay hinahangaan niya?

" Si Vilma Santos. Sobrang bait niya. Batangas is close to Laguna so nakikita ko siya. Nagkikita kami before pag may incident na pareho silang ninong at ninang ni Mayor."

Sa pagbi-videoke namin kasama si Mayora, napansin namin na wala pa ring kupas ang ganda ng boses niya. Kaya naman tinanong namin kung wala ba siyang balak na i-revive ang kaniyang singing career?

" Actually nagagamit ko yang talent na 'yan. 'Pag may okasyon si Mayor, napapakanta ako. Pero wala akong practice huh. Yes most of the time nahihilingan tayong kumanta since gusto ko yung ginagawa ko kahit t.y., unlike before na may bayad."








Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!