Mygz Molino, excited sa upcoming projects; Dedma sa mga intriga

by Mildred A. Bacud

Dama namin ang naging epekto ng pagkawala ni Mahal kay Mygz Molino. Ang dating masayahing vlogger actor ay sandaling nadepress sa pagyao ng malapit na kaibigan. 

Pero hindi lamang pala sa paglisan ng kaibigan masasaktan si Mygz kundi hanggang ngayun dahil sa mga isyung binabato sa kaniya. Sa huking interview namin sa kaniya nang madayo kami sa Tanauan Batangas ay sinabi niyang nasasaktan siya sa mga paratang sa kanila ng manager na si Jethro Carey. 

Kaya naman ikinagulat namin ang mga napanood at nabasa sa mga social media a acounts tungkol sa patutsada ng pamilya ni Mahal kay Mygz na may tonong sinisisi ito sa pagkawala ng kapatid. 

Umabot sa puntong inalis na ng vlogger actor ang pangalang  Mahmygz sa kaniyang Youtube account na sa tingin naman namin ay dapat lamang. Yun rin naman ang hangad ng nakababatang kapatid ni Mahal na si Lanie nang makausap namin ito sa puntod ng kapatid. Hangad raw niya na makapag move on din si Mygz. 

Nararapat lang talaga na magsimula on his own si Mygz dahil sayang naman amg talemto at impluwensiya niya. Hanggang ngayun kahit wala na amg tamdem nila ni Mahal ay hindi siya iniwan ng mga fans.Malawak pa rin ang fanbase niya dito sa Pilipinas at ibang bansa. 
(with Jethro, Mygz and Tyrone Escalante of TEAM)

Another blessing nga dahil kamakailan lamang  ay pumirma si Mygz ng kontrata sa ilalim ng signed TEAM ng
Tyronne Escalante Artist Management in partnership with Merlion Events Production Inc. as a new venture to
co-produced a new show with GMA Network

Abangan din ang pagsilip nito sa TOLS every Saturday 7PM sa GTV. May upcoming movie din siyang gagawin. Ngayun ay aktibo na muli sa kaniyang Tiktok si Bunso.






Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!