Pelikulang Home I Found In You, siguradong papatok sa manonood

Dumalo kami sa Story Conference ng pelikulang "Home I Found In You" under Rems Production. 
A film by Gabby Ramos starring Jhassy Busran, Harvey Almoneda, John Heindrick Sitjar, Eunice Lagusad,Diego, Orlando Sol & Soliman Cruz.

Proud si direk Gabby sa mga artista niya sa nasabing pelikula. Madali raw katrabaho at kahit mga bata pa ay propesyonal na. 

Dating commercial direktor si direk Gabby hanggang sa magdesisyong magtrabaho sa ibang bansa. Matapos ang halos sampung taon ay nagbalik at tinanggap ang nasabing pelikula. Nakagawa rin siya ng short film "Pugon," kung saan nanalo siya as Best Director sa Manhattan International Film Festival. 

Target ng ng Rems Entertainment Production na hindi lamang sa mga streaming platforms ipalabas ang Home I Found In You. Ipinapangako ng direktor na magkakaroon ito ng pagpapalabas sa big screen. 

Going back sa nasabing pelikula, nang basahin namin amlng buod ng kwento, alam na namin kaagad na papatok ito sa mga kabataan na nangangarap sa buhay. Young love pero may kaakibat na responsibilidad. May touch ng pagka kdrama feels ang nasabing pelikula dahil ang bidang lalaki ay isang sikat na celebrity, samantalang ang bidang babae naman ay isang simple at ordinaryong staff sa isang hotel.  
Sigurado kaming papatok ang ganitong kwento sa mga manonood. Anytime this week ay umpisa na ang kanilang shooting at ayon sa direktor ay lock- in shooting pa rin. Katwiran ni direk Gabby, " Do keng ingat pa rin. Magsasagawa pa rin ng antigen at susunod pa rin sa safety protocol. Nandiyan pa rin naman ang pandemic. Hindi pwedeng pakampante. "

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!