Sarah, may bagong kanta

by Mildred A. Bacud

May bagong aabangan sa singer actress na si Sarah Javier this July 15. Ito ang bago niyang single na " Happy Anniversary." Pasilip pa lamang ng kanta ay maganda na. Marami ang makakarelate sa nasabing awitin lalu na ang mga nagmamahalan na laging nagdiriwang ng anibersaryo. Ito ang swak na theme song sa kanila. 

May mga nakaline-up pang mga proyekto kay Sarah. This July 31 sa Music Box ay bahagi naman siya ng isang show na may pamagat na Kanta Wanan na ang Main Act ay si Boobsie Wonderland. Excited ang singer/actress dahil first time din niyang makasama ang guwapong anak na si Jacob Flora na tulad niya ay maganda rin ang boses. Sa direksyon ito ng kaibigang Joey Austria.
Happy naman si Sarah dahil kamakailan lang ay dumating ang ina na si Lilly Camet sa Pilipinas galing ibang bansa para magbakasyon at magdiwang ng kaniyang kaarawan. 
Walang sinasayang na sandali at super bonding ang mag-ina at ang buong pamilya nito. 

Nominated rin ang awitin ni Sarah na "Ihip Ng Hangin," sa kategoryang Inspirational Song of the Year sa  13th PMPC Star Awards for Music nitong Setyembre. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!