Ara, minulto sa pelikulang Katok ng AQ Prime

by Mildred A. Bacud

Just in time for the Halloween ay napapanood na ang Katok movie ni Ara Mina sa AQ Prime Streaming. Ito ay sa direksyon ni Joven Tan. 

Humarap si Ara sa press people kasama pa ang ibang cast. Panimula niya ay hindi naman daw ito ang first time niyang gumawa ng horror film. 

" Nakagawa na ako ng horror film pero the last time ay sobrang tagal na. Yung Shake Rattle and Roll. Happy ang asawa na gumagawa ako ng mga horror movies. 

Gusto nga niya na maging horror queen kasi after nito may isa pa akong movie sa AQ na horror din. He likes me doing this kind of film. Gusto niya yata akong maging so Kros Aquino na horror queen. 

Nagkwento pa si Ara tungkol sa nasabing pelikula. Ibinahagi niya na minulto niya during the shooting. 

"I've been doing horror films noon pa yung Shake Rattle and Role but this is the first time na parang may gumanon na kamay eh wala namang tao sa area na 'yun kasi lahat ng staff nandito sa directors booth at waiting area so ako lang yung tao dun. 

" E wala naman akong third eye third eye. Minsan nakakaramdam ako ng mabigat sa lugar na ito. Yung eksena na yung frame bumagsak, nakasteady lang naman siya. Pero nagpray naman kami before we start. Siguro ano nabulabog lang. Kasi pinapavisit ko sa akin ang daughter ko. Pinagbawalan ko yung daughter ko dun sa area. Sabi ko ano bang bahay na to? Bulacan Bulacan so hindi ko na siya pinapunta.

Hindi rin daw niya makakalimutan ang nakakatakot na eksena niya sa cabinet. 

" May pinagawa sa akin si direk Joven na pinapasok ako sa cabinet, sabi ko ano ba ito, ang creepy kasi its an old house na yung cabinet na yun parang panic room. Cabinet ang jtsura pero pag pumasok ko stair pala yun na may kisame paakyat. So pagpasok ko dun ang lamig lamig. Ang weird kasi isasarado ko yung cabinet.

" Wala naman akong claustrophobia pero ang creepy halos minadali ko yun eksena. Kahit hindi pa ako dapat lumabas, lumabas na ako. Kasi binigla ako ni direk. Imaginin mo yung cabinet papasok ka dun ikaw lang mag-isa. Blurry na yung cabinet sa sobrang tagal niya. Nakaraos naman at least mas realistic na mas nakakatakot. 
Bukod kay Ara Mina kasama pa niya sa pelikulang Katok sina Soliman Cruz, Ynigo Delen, Mia Aquino, Joyce Javier.  Streaming now. Just download AQ Prime in Playstore, Appstore and Huawei App Gallery..

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!