Floyd Mayweather, ipinakilala bilang newest brand ambassador ng AQ Prime
by Mildred A. Bacud
Isa kami sa mga naimbitahan ng AQ Prime sa mediacon ng sikat na boksingerong si Floyd Mayweather na ginanap sa Okada last September 29. Ang undefeated boxing icon lang naman ang bagong brand ambassador ng AQ Prime streaming platform.
Ang AQ Prime ay isang streaming company na nagbibigay ng mga original na Filipino movies.
Founded and managed by its President and CEO, Atty. Aldwin Alegre and COO, Atty. Honey Quiño kasama ang Creative Director at Business Partner na si RS Francisco.
Layon ng AQ na ipromote at itaas ang local industry. Bukod sa mga pelikula at shows.
“This groundbreaking move of introducing Floyd Mayweather, Jr. as our newest
ambassador is our way of further establishing our brand. We want to offer only the best!” Sabi ni Atty. Quiño.
Masaya rin naman daw si Mayweather na maging bahagi sa paglago ng A&Q Entertainment family.
“I love to entertain and I love to be entertained. If you want to be entertained anywhere around the world, this new platform is unreal. I spoke about it, downloaded it and I love it! I'm sure that if you download it you're going to love it also!”
Inanunsyo rin ng AQ Prime ang docuseries ng buhay ni Mayweather na maaaring ipalabas sa 2023 at ekslusibong mapapanood sa AQ Prime. Naniniwala si Atty. Quiño na makakaoag igay mg inspirasyon ang boksingero lalu na sa mga Pinoy na nangangarap na maabot ang kanilang pangarap.
“His life story will not only entertain people but will also inspire people to be like him.”
AQ Prime is now available on Apple and Android devices, including smartphones and
smart TVs. Download and subscribe to AQ Prime Stream for as low as P100 for 3 months
through Google Play Store, Huawei App Gallery, and Apple App Store.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento