Ivy Violan, nirereklamo ng panloloko ng Pinay singers na sina Rozz at Irelyn

by Mildred A. Bacud

Ikinagulat ng press people ang sinambulat ng US-based Filipina singers na sina Rozz Daniels at Irelyn Arana sa ilang press people via Zoom interview. Ito ay tungkol sa panloloko diumano sa kanila ng beteranang OPM artist na si Ivy Violan.

Mula sa Wisconsin si Rozz at sa Chicago naman si Irelyn. Magkasama na silang dalawa sa unang manager nila at magkasama muli sa pakikipag-deal kay Ivy Violan. Napapanood ang sila sa The Rocks and Rozz show sa Kumu.

Sa kagustuhang magkaroon ng sariling album, through a common friend ay nakilala nila si Ivy Violan. Nangako naman daw ito na gagawan sila ng kanta at irirelease through Viva Records

“Nagawan ako ng seven songs ni Ivy, nagbayad ako sa kanya ng $1,000 per song plus $215 sa arrangement sa bawat kanta,” kwento ni Rozz.

May katibayan daw si Rozz at nakalista ang mga perang naipadala niya kay Ivy. 


Pero ipinagtataka nila na  isang taon na raw ang nakalipas ay hindi pa rin nairi-release ang mga kanta niya gayong 7 songs na ito.

“Sabi niya, napasok na niya sa Viva Records. I know Viva, it’s a big recording company. July, 2021 ko natapos ang kantang ‘Alay Sa ‘Yo’ and up to now, hindi pa rin nari-release.”

Kuwento naman ni Irelyn, nagbayad siya kay Ivy ng $2,000.00 para sa dalawang kanta.

“Gusto ko lang magkaroon ng isang kanta lang na matatawag kong akin. Tiwala namqn ako sa kaniya kasi Ivy Violan siya. She's an icon in the music industry.

“ I gave her 2000 dollars, pumayag ako sa ano niya. Sabi niya, kasama doon ang promotion, and it’s gonna be through Viva Records. Kasama ang promotion, tapos sila ang mag-e-air ng kanta.

Ang usapan daw nila ay noong August, 2021 iri-release ang mga ini-record nilang kanta pero hanggang ngayon ay waley pa rin.

Itinatanggi umano ni Ivy na may natanggap siyang pera mula kina Rozz at Irelyn pero ayon sa dalawang singer may mga ebidensya sila sa kanilang transaksyon.

Gusto lamang daw malaman nina Rozz at Irelyn kung talaga bang naipasok sa Viva Records ang mga kanta nila. Kung hindi man ay gusto nilang makuha ang rights ng mga kanta nila. Tutal ay nagbayad naman daw sila.  Kung hindi man ay sana raw maibalik ang mga perang nagastos nila.

Sabi ni Irelyn na isang nurse, pinaghirapan din daw naman nila ang  perang binayad nila kay Ivy.

Dagdag pa ng mga Pinay singer sa US, nais lamang daw talaga nilang ibahagi sa mga Filipino community sa iba’t ibang bansa ang kanilang talento sa pag-awit kaya sana raw ay mabigyan sila ng pagkakataong makaawit at makapag-perform.

Hindi raw nila gustong humantong sa pagpapapresscon ang nangyari sa kanila pero hindi na raw nakikipag-communicate si Ivy.  Umaasa sila na maaayos din ang problema nila kay Ivy at maipagpapatuloy ang pangarap nilang mai-release na ang ini-record nilang mga kanta.

Nagpersonal message na kami kay Ivy para makuha ang side niya pero waoa pa rin itong sagot.

Bukas ang aming espasyo sa side naman ni Ivy sa pangyayaring ito. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry