Magkaibigang Maya at Patricia nagbukas ng bagong branch ng Pretty You

by Mildred A. Bacud

Isa sa binisita namin this week ay ang pagbubukas ng bagong branch ng Pretty You na pagmamay-ari ng magkaibigang Maya Doria at Atty. Patricia Galang. Nakakatuwa ang kwento ng kanilang friendship. Since Elementary days at magkakilala na sila at naging magbestfriend mula high school hanggang ngayon. Halos tstlong dekada na.  Pero ngayon kamang nila naisipang magventure sa negosyobas partners.Ito ay ang The Pretty You, na isang beauty, cosmetic and personal care. Matatagpuan ito sa #4 2nd St. Crame, Quezon City.
Nagulat kami dahil kung ikukumpara sa ibang facial o skin clinic ay napaka-affordable lahat ng services dito, pang-masa ika nga. At isa na isa rito ang celebrity facial.
Ayon kay PG (tawag kay Atty. Patricia) kakaiba ang kanilang celebrity facial kumpara sa ibang facial services.
Sabi niya,"Kasi ang dami niya nang kasama, from cleansing, extraction, tapos may collagen mask,may  collagen cream, vaccum, tapos may kasama pa siyang PDT which is the photo dynamic theraphy. Not all facials have that, huh! And for the price, mura lang siya, 999.00,"

Sabi naman ni Maya tungkol sa celebrity facial,"After they (clients) try the celebrity facial, kukuha sila ng VIP package right away, kasi sulit. For 12 sessions, they can only pay 3,000.00. And for any other service, 10% off,"
"Maganda ka na the whole year,"sundot ni Maya
Since The Pretty You ang pangalan ng kanilang skin clinic, sino ba para sa kanila ang masasabi nilang pretty?
"Si Marian Rivera,"sagot ni Maya
"Ang idol ko na lang nu'ng bata ako, si Maricel Soriano. I have seen Maricel in person,grabe,
napakalinis na babae. Kahit sa kuko, napakalinis. Metikulosa sa kanyang personal hygiene,"sagot naman ni PG.

Kahit may naririnig silang mga kwento na hindi dapat nagpapartner sa business ang magkaibigan dahil baka mag-away sa bandang huli, bida nila as bestfriends ay never pa silang nag-away. Swak daw kasi ang kanilang personalidad. Sa edad na rin naman daw nila na nasa 50's ay wala silang naiisip na pwedeng pag-awayan at very open daw sila sa isa't-isa. Ang nakakatuwa pang kwento ay pagmamay-ari ng parents ni Maya ang building kung nasaan ang Pretty You. Pwedeng  hindi na nga sila magbayad ng upa pero ininsist ni Atty. na magbayad sila dahil business is business. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!