Tara Game Agad Agad Level Up ni Aga Muhlach mas lalung pinabongga!

Ni Mildred Bacud

Nagsimula ng mapanood nito lamang October 16, ang Tara Game, Agad Agad Level Up hosted by the game master Aga Muhlach. Mas pinabongga at pinagandang season ito ng  Tara Game, Agad Agad. Sa isang video, sinabi ni Aga, ““I’m really excited for season 3. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal yung Tara Game, Agad agad. It’s been my favorite since we started the show’. Maglalaban laban ang apat na contestant hanggang sa isa na lamang ang
makarating sa final round. Mag-uunahan sila na magkaroon ng points sa pamamagitan ng pagsagot sa iba’t ibang tanong. Makikita muna nila ang mga posibleng sagot at may pagkakataon silang sagutin ito o ipasa sa kalaban. At ang kakaiba sa season na ito? Kasama na rin sa kasiyahan ang mga taong nasa labas
ng studio.

Dagdag pa ni Aga, ‘We’re also excited, kasi mas malaki yung pa-premyo namin. So
yung P20, 000 mo, kapag umabot ka ng jackpot round, pwedeng umabot ng P180,000, may pagbabago din sa jackpot round, kaya abangan niyo dahil excited talaga ako sa season 3 and 4.”

Hindi nagtatapos ang surpresa para sa TGAA Season 3. Dalawang co-host ang makakasama ni Aga– ang Filipino- Japanese social media star, Yukii Takahashi at
ang ating favorite Brazilian actress and host, Daiana Menezes. Sila ang magbibigay saya sa publiko sa pamamagitan ng TGAA LEVEL UP games.

Ayon kay Daiana, “Nasa remote area ako, may mga ini-interview ako, kailangan
magtugma yung sagot ng mga nasa studio sa mga ini-interview ko”.
Excited din siya na maging parte na “Tara Game, Agad agad: Level Up” lalo na at makakasama nya si Aga at Yukii “sobrang natutuwa talaga ako, because passion ko talaga yan. I’m really happy that NET25 is giving us this opportunity especially kasama ko dun si Aga Muhlach and i- welcome na din natin (sa NET25) si Yukii na very talented”. Nagpapasalamat naman si Yukii para sa oportunidad na ibinigay sa kanya. ‘I feel so happy and honored na part at pinagkatiwalaan ako ng NET25 to co- host with the one and only Aga Muhlach! It’s a Dream Come true to finally be part of a show, na naconsider ako na mag co- host at Regular Show sa NET25’

Dagdag pa ni Daiana, “This new season, abangan nila because it’s more fun, more pa-premyo,humanda sila sa physical challenges at yung segment ko na “Tara Fun."

Sabi nga, ‘Agad-agad ang kasiyahan, Agad-agad ang papremyo” kaya naman siguruhin na manood ng TGAA Level Up tuwing linggo, 7PM.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry