Dimples at Jake bilib kay Sean de Guzman
Trailer pa lang ng pelikulang My Father Myself ay madadala ka na sa eksena. Wala naman kwestyon sa husay ng mga artista. Sina Jake Cuenca at Dimples Romana ay masasabing hasa na sa aktingan. Si Sean de Guzman kahit baguhan ay may acting award na rin kahit pa pag-amin niya ay kinabahan siya na makatrabaho ang dalawa. Pero bilang mga senior actors, kung ipagpapatuloy daw ni Sean ang kanyang magandang work attitude ay nakikita ni Dimples na malayo talaga ang mararating nito as an actor.
"In my head, my God, if he continues to be just the same, humble, very listening, absorbing actor that he is, he's going to go a very, very long way dahil nakita ko na iyang ganyang gigil sa ganyang pagkatao. Ang gandang panoorin ni Sean. I hope you guys will really appreciate the kind of work he did for this movie."
Kung ipagpapatuloy daw ni Sean ang kanyang magandang work attitude ay nakikita ni Dimples na malayo talaga ang mararating nito as an actor.
Marunong daw makinig si Sean at very humble. Kung titignan daw ay paeasy- easy lamang ito pero kapag trabaho na ay seryoso na ito.
"Hindi mo siya malalamon sa eksena. Kasi siya,sa totoo lang, he knows how to be playful, nakikipagbiruan siya, but he also knows when work is work and that I appreciate the most," aniya.
"Hindi rin siya easily intimidated kasi kung iisipin mo minsan pag hindi kami nagsasalita ni Jake p'wede mong isipin para ma-intimidate ka. Pero wala siyang ganoon. Alam mo kung bakit? Trained siya kay Direk Joel [Lamangan]."
Pantay daw kasing mag-trato ng artista ang batikang director, walang datihan o baguhan. Pero hindi daw komo ganoon ay hindi na alam ni Sean ang puwesto nya.
"Nakikinig siya. Hindi lang siya over aesthetic kasi may eksena kaming dalawa—that you have to watch out for. Iyon, eksena ni Sean, dalawa kami nito pero kanyang-kanya 'yon."
"In my head, my God, if he continues to be just the same, humble, very listening, absorbing actor that he is, he's going to go a very, very long way dahil nakita ko na iyang ganyang gigil sa ganyang pagkatao. Ang gandang panoorin ni Sean. I hope you guys will really appreciate the kind of work he did for this movie," pahabol pa niya.
In fact, maging si Jake Cuenca, na natatakan na bilang mapang-lamon sa mga eksenahan ay napabilib ni Sean.
"Hindi mo malalamon ito," sabi niya tungkol kay Sean. Kung hindi n'yo nga sinabing one year palang siya artista, one year palang niyang ginagawa ang ganito, hindi ako maniniwala kasi parang matagal na siyang artista."
Bukod kina Jake, Dimples at Tiffany kasama rin sa cast sina Allan Paule , Jim Pebanco, AC Carillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose
Mula sa produksyon ng 3:16 Media Network ni Len Carillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy, ang kontrobersyal na pelikula ay mula sa direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan at mula sa panulat ni Quinn Carillo.
Co-producers din ng pelikula sina Erwin Ortanez, Jumerlito Corpuz at Nicanor Abad.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento