John Rendez, bida sa isang action-drama film

by Mildred Bacud

Mapapasabak sa aktingan si John Rendez. Bagaman naakilala at sumikat siya bilang rapper, singer at composer,  ngayon ay isang challenging role ang gagampanan niya bilang bida sa upcoming movie ng NA Entertainment na may  tentative title na "Gun For Hire".

“It’s a big challenge for me to play the lead role as Josh,” sabi ni John. 

Inamin ng singer/actror na hindi naging madali para sa kanya na gampanan ang role.  

"There are some scenes you have to build your emotion towards your co- actors. At first, medyo mahirap, I don’t do  drama things in the past, you know. But now, I have  to concentrate to my character as Josh, iba’t ibang emotion ang kailangan kong ibigay in every scenes " pakli pa niya.
Kasama sa pelikula ang mga batikang artista na sina Bembol Roco, Dexter Doria, Irma Adlawan , Beverly Salviejo at Ian De Leon. Masaya si John dahil nakasama niya ang mga ito sa kanyang pelikula.

"I am very greatful to them because they give me pointers how to react in every dramatic scenes."

Madali naman nakapag-adjust si John sa kanyang mga co-actors kaya hindi nahirapan si Direk Eric Joven sa mga sumunod na mga eksenang kukunan. All out ang support ang binigay nina Bembol, Dexter, Irma , Beverly at Ian sa kaniya. Ramdam nila may ibubuga si John as an actor dahil nakakasabay ito sa mga dramatic scene.

“As an actor, we have to grow and learned from them the right motivation in every role you portray. For me, it’s a memorable experience working with the great actors and I am very thankful,” pahayag niya.

Ang pelikula ay isang action/ drama na may kakaibang  twist. Maraming highlight ang pelikula at action scenes. Kasama rin sa cast sina Kenneth de Leon, Andre Soriano at Loy Oladive  sa direksyon ni Eric Joven. May special participation din ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa movie.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry