Small Laude, bata pa ay pinangarap ng maging donya
Maraming aliw sa sikat na vlogger at entrepreneur na si Small Laude. Kahit kasi ubod ng yaman ay may konek sa masa. Bata pa lang pala siya ay nangarap nang maging isang doña at tumira sa Forbes, isang kilalang exclusive village ng mga rich and famous sa bansa.
“Get married and be a doña! May chauffer, at saka nasa tsedeng. And I want to be in Forbes!”
Huwag ismolin, dahil ang totoong ‘Crazy Rich Asian’ makaka-one-on-one ng nag-iisang Korina Sanchez.
Alamin paano siya nagsimula bilang vlogger. Kilalanin din kung sino ba si Small Laude bilang isang ina, asawa, anak at kapatid.
Kakayanin kaya ni Ms. K ang kakulitan at high-energy ni Small?
Abangan ang favorite ‘Tita ng Bayan’! No bashing! It’s for fun!
'Korina Interviews,' itong darating na Sunday, 5:00 p.m., sa NET25.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento