Vince nagpapasalamat sa buhos na blessings kabilang ang nominasyon sa 38th PMPC Star Awards

by Mildred A. Bacud

Hanggang ngayun ay patuloy pa rin ang world premiere ng pelikulang Katips. Kahit hindi na nakakadalo ang buong cast nito ay nagpapatuloy pa rin ang suporta ng ating mga kababayan. Nitong huli nga ay sa Singapore at Australia. 

Kaya dedma na lamang sa bashers si Atty. direk Vince Tanada sa mga nagsasabing flop ito at patuloy syang nagpapasalamat sa blessings na dumarating sa kaniyang buhay tulad na lamang ng pagkakabilang ng pelikulang Katips sa opening ng QCinema International Film Festival. Kasama ng cast at nina Joaquin Domagoso at Sarah Holmes ay naroon sila para sumuporta sa Gateway Cinema. 
"Syempre thankful tayo kay Mayor Joy Belmonte at Q Cinema na mapabilang ang Katips. Malaking bagay ito para mas mapanood at maparating pa natin ang mensahe ng aming pelikula."

Isa pa sa bagong good news para kay direk Vince ay ang paghakot ng nominasyon ng pelikulang Katips sa kalalabas lamang na official nominees ng 38th PMPC Star Awards for Movies. Kabilang sa malalaking nominasyon ay ang Indie Movie of the Year, Indie Movie Director of the Year at Movie Actor of the Year. Mabibigat din ang mga kalaban ni Vince sa naturang kategorya.



 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!