Rosmar dedma sa bashers, thankful sa buhos ng blessings

by Mildred A. Bacud

Hindi pa man namin nakikilala ang CEO ng Rosmar Skin Essential na si Rosemari Tan ay napapanood na namin siya sa social media lalu na sa Tiktok kung saan grabe ang daw nang kanyang followers na nasa 13.5 million as of press time. Samantalang sa Instagram naman ay meron siyang higit 600k followers.  
Napapanood din namin na sa tuwing may nangangailangan sa Tiktok ay laging minemention ang kaniyang name dahil alam nilang very generous ang magandang CEO ng Rosmar. Bagay pala hindi niya natatanggihan.

" Hindi ko po matiis tumulong. Yung mga nanay na walang panggatas sa anak nila o kahit diapers wala sila. Yung may mga sakit. Kaya hanggat kaya tutulong tayo."

Kaya hindi nakakapagtaka ang paglago ng Rosmar Skin products at celebeity status na rin si Rosmar na kwento niya ay marami na rin daw ang nagpapapicture sa kaniya.
"Kahit saan may nagpapapicture na sa akin. Minsan kahit sa  restaurant na kumakain ako pero tumatayontaoaga ako at pinagbibigyan ko sila. "

WALANG endorser ang Rosmar Skin Essential kaya naman tinanong siya na kung sakaling magkaroon mg celebrity endorser, sino ang gusto niya.

"Kung ako ang tatanungin, siyempre ang childhood crush ko na si Dingdong Dantes. Noong bata pa ako,4 years old ako, may tour sa Lucena si Dingdong. Nanood ako tapos noong nakita niya ako,binuhat niya ako,"pagbabalik-tanaw ni Rosmar

"Tapos noong sumali ang kapatid ko sa Philippine Youth, nandoon s Dingdong, nakita ko ulit siya. " 

Dahil sa overwhelming success ng Rosmar Skin Essential, at sa  dami ng tumatangkilik ng mga produkto nito ay yumaman at naging milyonarya si Rosmar sa edad  28.  Marami na raw siya naipundar pero sa pag-akyat niya ay marami rin siyang buhay na binago tulad ng mga natulungan ng kaniyang negosyo. 

Hindi naman daw ganun kadali ang mga pinagdaanan niya. Kahit stable na ang negosyo niya hindi pa rin siya tumitigil sa pagpopromote nito at very hands on siya. Mapapanood naman sa Tiktok ang madalas na paglalive selling niya at bilang pamaskong handog sa mga suki niya na online shoppers ay may pa-one million cash siya. Sa bawat parcel randomnly ay lalagyan niya ito ng cash. 

Pero kaakibat ng tagumpay ang mga competitors na nagkakaroon ng conflict sa kaniya. Tulad na lamang ng isa ring CEO ng skin products na umabot pa sa demandahan ang kanilang alitan. 

" Bahala na po ang mga lawyers ko dyan at haharapin naman natin 'yan."

Sa mga bashers ng kaniyang produkto maging nang kaniyang look na sey ng iba ay produkto ng salamat duktor ay hindi na lamang daw niya pinapansin. Mas importante raw ang marmaing natutulungan ng Rosmar  at amg paglago ng kaniyang negosyo. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!