Heaven, hindi papatol sa may asawa; Ayaw na ng showbiz boyfriend
Buo rin talaga ang suporta ng BNY sa pangunguna ng mga owners na sina Denise Villanueva at Mike Atienza kay Heaven Peralejo. Sila kasi ang nag-sponsor ng isa sa block screening ng MMFF entry ng Rein Entertainment, ang " Nananahimik Ang Gabi," last Dec. 26 sa Directors Club SM The Block. Matagal na ring endorser si Heaven ng BNY nung nagsisimula pa lamang ang career nito.
Bukod sa aktres ay naroon din sina Ian Veneracion at Mon Confiado. Saksi kami sa dami ng tao bilang ang inyong lingkod ang nagsilbing host.
Habang hindi pa nagsisimula ang programa at palabas ay nagtrabaho muna kami bilang enterainment media at ininterview muna namin si Heaven. Una namin tinanong ang tungkol sa kanila ng leading man niyang si Ian na iniintriga ang kakaiba daw nilang closeness kahit off cam .
Sey ni Heaven, "Siguro kasi, of course, we work together, kailangan ko rin namang galingan. Siguro nadadala ko lang off screen, pero what I have for him is respect.
"Full of respect and, of course, love din. May pagmamahal din ako kay Chief. He's the best partner, what can I do, di ba?"
Chief ang tawag sa karakter ni Ian sa pelikula.
Tulad ng madalas maranasan ni Heaven na pambabash sa mga lalaking nalilink sa kaniya, ganun din nang ipareha siya sa halos kalahati ng edad niya ang tanda sa kaniya na si Ian.
"Parang sanay na ako sa bashers. Parang ever since I started showbiz, part na siya, e. Wala na, e.
"For me, I'm just doing my job and kung ang pinaparating namin ay 'sugar baby-sugar daddy' yung mga mensahe sa film na ito, at nagkakaroon ng bashers, at least, I think I'm effective."
Ayon pa kay Heaven, hindi siya papatol sa may asawa at ayaw na rin daw niyang magkaroon ng showbiz boyfriend .
Ayaw din daw niyang makipagrelasyon sa kapwa-artista dahil sa mga hindi magandang karanasan niya noo
"I cannot, I really cannot. Na-trauma na ako, especially ako nga, personally, ayoko na ng showbiz na dyowa. Na-trauma na ako. Parang di na siya nakakatuwa.
"Pero masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Di ko kailangan ng lalake.
"Ako, masaya ako sa buhay ko. Ang love life ko kasi ngayon is career ko, yun ang pinagkaka-busy-han natin.
"Pero kung may darating, darating, pero kung wala, e, di wala," diin pa ni Heaven.
Tinanong din ang aktres kung ano ang mga natutunan niya sa nakaraan niyang mga relasyon na ia-apply niya sa susunod niyang pakikipagrelasyon.
"I learned a lot. Siguro una kong natutunan, kung di talaga, di talaga. Mararamdaman mo kasi yun, if everyone is against it, there's something wrong.
"Sobrang immature ko pa. Kumbaga nung mga panahon na 'yun na I thought love is supposed to be like this, now I know much more.
"It's supposed to be free-flowing. It gives you dapat happiness, dapat walang stress.
"Pag binibigyan ka na ng pimples at sakit ng ulo, hindi na siya maganda, di na siya nakakatulong."
Pero kung anuman ang pinagdaanan niya noon, sabi na lang niya, "Sabi nga kung may challenge sa iyo ang universe, may malaking blessing din naman afterwards.
Samantala, maganda ang feedback at reviews aa acting ni Heaven sa Nananahimik Ang Gabi. Maging ang leading man nito ay puring-puri sa kaniya at tinawag pa niyang "best partner ever."
Kuwento ni Heaven, "Of course, we really had to work it out at first. Parang we have to know each other, we have to be comfortable first para maging flow na lang siya, maging natural na lang din siya.
"Si Ian sets the standard for my next partner. He's actually the best partner ever.
"Ang bait niya, sobrang bait niya, ang caring niya. Lahat ng characteristics ng isang best partner nasa kanya. Good luck na lang sa susunod kong partner."
Alagang alaga daw siya sa set at si Ian bikang keading man ay magaan katrabaho.
"Actually, nung first time ko nalaman na si Ian Veneracion ang ka-partner ko, 'Oh my God!' Siyempre Ian Veneracion na siya. It's an honor to be partnered with him, di ba?
"Pero yung first meeting namin, he never made me feel intimidated or what. He made me feel comfortable, that's what I love about him."
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento