Joaquin Domagoso, bukas na sa pagkukwento bilang batang ama
Ibang Joaquin Domagoso na ang nakaharap namin sa presscon ng pelikulang " That Boy In The Dark," na ginanap last December 30. Mas mataoang na siya ngayon at mas bukas lalu na sa usapin ng pagiging ama.
Mas inspirasyonna raw ang batang aktor na magtrabaho ngayong ama na siya. Masasabi rin niyang responsable siyang ama na marunong ng mag-alaga ng anak at magpalit ng diapers.
“Me and my family were both happy na my son is eight months old na. Bihira na rin akong umalis ng bahay because lagi ko siyang miss. Tulad ngayon, maraming feelings na hindi mo mararamdaman talaga. ”
Ano nga ba ang pakiramdam niyang bilang bagong ama?
“There’s so much new feelings all the time na nakakaiyak at nakakatuwa. Medyo iba na ngayon ang mundo ko. Yung mga sinabi before ng tatay ko or ng mama ko hindi ko naiintidihan. Ngayon parang gets ko na. ”
“Kapag may mga kaharap siyang tao, mahilig siyang mag-smile. Ganun siya kakulit,” he said.
Nang kamustahin namin ang amang si Isko patungkol sa pakiramdam nito bilang ama ay masaya raw ito.
“Si mama naman medyo na surprise nung nalaman niya. Si Raffa ang nagsabi sa family niya na we’re having a baby.”
Sa April daw ang binyag ng anak at nang tanungin siya kung may plano na silang magpakasal ni Raffa sey niya, “Wala pa. Mag-iipon muna kami.”
Nananalo ng apat na best actor award si Joaquin sa iba't ibang award giving bodies abroad sa veryn challenging role na ginamapanan niya sa That Boy In The Dark bikang isang bulac na teenager.
Sa launching movie na ito ay nakatanggap siya ng best actor mula sa Toronto Film and Script Awards, Five Continents International Film Festival sa Venezuela, the Boden International Film Festival sa Sweden at Latitude Film Awards in London.
Ipapalabas ang “That Boy In The Dark” sa Pilipinas sa Jan. 8, 2023 sa direksyon ni Adolf Alix Jr. Kasama rin sa pelikula sina Lotlot de Leon, Glydel MercadoMercado at Aneeza Gutierrez.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento