Joed Serrano, naglabas ng official statetement sa concert ni Toni Gonzaga

by Mildred A. Bacud

Ilang linggo na nga lang at nalalapit na ang anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Araneta Coliseum. Marami ng mga intrigang naglalabasan tulad na matumal daw na pag-usad ng mga tickets. May isyu ring lumabas na binitawan na raw ito ng co-producer ng nasabing concert na si Joed Serrano.  Kaya naman naglabas ng opisyal na statement ang dating aktor at producer na si Joed.  Dito ay nilinaw niya ang tungkol sa lagay ng tickets. 
"As of January 13 friday at 4:45pm, The  I Am Toni  concert  Araneta coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets. 20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser toni gonzaga. "

Hindi naman tinanggo ni Joed na bumili talaga ang ina no Toni ngga tickets.

" Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka church mate na sa kanya umorder. Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet. These tickets are paid. Wala ng libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula.

Nag-update din si Joed kung ilang percent na ang nabebenta sa tickets.

"As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets & get a chance to watch this very controversial concert. Its a celebration of 20 years in showbusiness & the birthday of our dearest Toni Gonzaga."

Hinimok naman ni Joed na maging positibo sana ang lahat at magkaisa.

" Let us all unite & be positive in life. Move on & be kind to all. Let us all give ourselves a chance to be good in this world. Smile, wag nega sa buhay. Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo , then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at mastress. See you all on Jan. 20, 2023 friday 8pm at the araneta coliseum."

Sa huling interview namin kay Toni ay sinabi niyang mga importanteng tao sa buhay niya ang kanyang mga guests na naging bahagi ng 20 years niya sa showbiz. Hindi nireveal kung sino ang mga ito dahil gusto raw niyang masurprise ang lahat ng manonood. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!