Marikit Artist Management, nag-launch ng mga bagong talents


by Mildred A. Bacud

Bongga naman ang ginanap na launching ng Marikit Artist Management last Tuesday, January 24 na ginanap sa Manila Hotel. 
Ang mga talents na nilaunch nila ay sina  Charles Angeles, Jeremy Luis, Kyle Ocampo, Angelika Santiago, Barbara Miguel, at ang Masculados na magdiriwang ng kanilang 20 years sa showbiz this February.

Pinangunahan ‘yon ng CEO na si Joseph Aleta.  Gusto raw nilang maging tahanan ng mga aspiring actors at mga artistang may pangalan na.

Ayon kay Jojo, tunog Pinoy at maganda raw ang kahulugan ng Marikit  kaya ito ang pinili nilang pangalan ng kanilan talent agency.  
“‘Yung Marikit kasi, gusto namin mag-search across regions para maiba. Naniniwala akong maraming aspiring local talents around the Philippines like Visayas and Mindanao.Gusto namin silang mainvite para ang Marikit ang maging vehicle nila para mapenetrate ang mainstream.
“Bakit Marikit? Simple pero gusto namin unique. We want to establish something na kakaiba. Hindi lang po sa maganda tayo naka-base but we want to go deeper. We are also looking into the character, the skills. More than just the surface na maganda lang. Beauty goes beyond the appearance,” dagdag naman ng kanilang talent manager na si Melai Camagan.

Target daw ng Marikit Artist Management ang pagpo-produce ng shows, television commercials, at iba pang campaigns. Gusto daw nilang ipakilala muli ang husay ng mga artistang sumubok at may napatunayan na sa showbiz na kinakailangan muling mabigyan ng break at opurtunidad.

Binida naman ni Jojo ang pagkakaroon nila ng  branding manager at yun ay si Yannie Tui, “When I jumped onboard, I was involved in the process of selection. Ako, sinasabi ko ‘yung mga gusto ko or nakikita kong points. Ito pong mga batang ito at mga nagguguwapuhang Masculados sa likod, piling-pili po talaga out of all ng mga ininterview namin since October.”

Binahagi pa ni Yannie kung anong prosesong pinagdaanan nila para mapili nila ang karapat dapat ihandle ang career .  First batch pa lamang daw ito ng mga talents nila at pipili sila hindi lamang dito sa Metro Manila maging sa mga probinsya.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry