Cesar Montano, naniniwalang blockbuster muli ang Martyr or Murderer ni Daryl Yap

by Mildred A. Bacud

Proud si Cesar Montano sa kinabalasan ng pelikulang Martyr or Murderer na sequel ng "Maid in Malacanang." 

Sa presscon ay binahagi niya kung ano ang naging paghahanda niya sa pagkakataong ito sa papel bilang si Ferdinand Marcos Sr.

“Itong script kasi ni direk Daryl ay patindi ng patindi. Tinigtignan ko lang at binabasa ko kung saan ako hindi madadawit at baka makulong ako. Kasi dapat ako ang dadalaw,” biro ng actor.

Masaya raw ang aktor sa shooting dahil marami raw siyang nadiskubre.

“ Pero I enjoyed the story kasi ang dami kong natitisod na bagong mga nadidisclose na ito pala yung nangyari no’n kasi I was there. 1986 I was in college so hindi ko alam na ganon pala ang nangyayari behind it. Ako personally as an actor challenge sa akin is halos lahat at that time ay ayaw kay Marcos, sumasali sa League of Filipino students kasama na ako dun.

Binahagi rin ni Cesar ang challenges along the way portraying an iconic role.

“ Ngayon I’m playing Marcos. Nag-iiba yung , alam mo yung the world is turning around sa buhay ko sa aking pag-iisip sa aking knowledge. More of sinusulat ulit yung history sa aking buhay dahil ako si Marcos, yun yung challenge sa akin. Isa sa mga challenges ko ay yung buhok kasi maiksi ang buhok hirap na hirap kami ng make-up artist ko na gayahin yung buhok ni Marcos.

Sa tanong kung ano ang expectation niya sa pelikula nila ay mabilis ang naging sagot ng aktor.

“It will be a blockbuster movie and will satisfy the audience more compared sa Maid In Malacanang. Ang expectation ko dito mas malaki ang bonus ng lahat ng cast dito from Viva Films. Yung hindi nabigyan magkakaroon na. I claim that. “

Bukod kay Cesar, kasama din sa cast sina Cristine Reyes, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Isko Moreno, Kyle Velino, Marco Gumabao, Jerome Ponce, Cindy Miranda, Rose Van Ginkel, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, sa direksyon ni Darryl Yap at showing na sa March 1. 



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!