Cherry Pie patuloy ang kampanya sa disinformation; pelikulang Oras de Peligro dapat panoorin
Sa presscon ng "Oras de Peligro" pinaliwanag ng lead actress na si Cherry Pie Picache kung bakit dapat panoorin ang kanilang pelikula.
" My only prayer is that you will really support us. Tell the truth because I think it is very vital nowadays to be able to campaign against disinformation”
“Importante lalo na sa mga kabataan ngayon na malaman nila kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kasaysayan natin.”
16 years old na raw ang aktres no'ng 1986 Edsa Revelution. May isip na at mulat sa nangyayari sa Pilipinas.
“Tulungan ninyo kami na this movie is not about against anybody, this movie is just telling the truth and what it is especially the people na hindi nakaranas ng EDSA Revolution o ano ang totoong nangyari sa kasaysayan.”
Dagdag pa niya, “Hindi puwedeng i-edit, hindi puwedeng baguhin that’s why it’s history, hindi mo made-deny ‘yung actual na nangyari dahil actual footage ang makikita sa pelikula. Let’s spread love, like and the truth.”
Nang matanong naman siya na willing ba siyang gumanap bilang Imelda Marcos sa hinaharap ay sinabing niyang bakit hindi pero depende daw sa konteksto ng pelikula pero diin niya ay hindi siya magpapadirek kay Darryl Yap.
“Hindi ako galit, nililinaw ko po walang personalan. It’s just that I’m just making a stand na parang ano ba. It’s his work, so, kami naman whatever expression you want to say or you want to use, this is a democratic country. Actually, tanong ‘yun, ‘may konsensiya pa ba siya?”
Bukod kay Pie, kasama din sa pelikula si Allen Dizon with Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Timothy Castillo, Elora Espano, Jim Pebanco, Mae Paner, Dave Bornea, Rico Barrera, Alvi Siongco, Gerald Santos, Crysten Dizon, Nanding Josef, Therese Malvar, Allan Paule, sa direksyon ni Joel Lamangan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento