Drei Arias nagpakadaring sa Baka Sakali ng AQ Prime; Umamin sa gender
Kasalukuyan ng pinalalabas sa AQ Prime ang pelikulang " Baka Sakali. " Nagkaroon kami ng pagkakataong makilala ang buong cast nito. BL movie siya sa direksyon ni Bong Ramos. Isa sa mga bida nito ay si Drei Arias na kinagiliwan ng press people dahil sa mga prangka niyang sagot.Bakit nga ba tinanggap niya ang ganitong klaseng pelikula at ano ang aabangan ng mga manonood?
"Sobrang crucial yung mga ganyang question kasi I’m just starting sa industry po. Kailangan isipin yung mga materials na oo-ohan natin with the guidance of Atty. Honey Atty Aldwin and direk napipili ko po ng maayos yung mga dapat kong kunin na projects.
"Yung mga aabangan po ay may Joel Lamangan po tayo. Sana suportahan niyo for the meantime sana suportahan niyo yung Baka Sakali streaming na po sa AQ Prime. “
Nacarried away ba siya sa mga eksena nila ng co-star niyang si April Gustilo?
“ Natural naman po yun lalu na kapag nagdidikit ang skin pero we have to be professional."
Reaksyon ni Drei sa mga tema ng pelikula ngayon na relationships between men na nadagdagan na talaga yung characters.
“ Yung tapang andun Kung sino ka as a whole mahirap ng maintindihan ng mga tao tanggapin ng mga tao kaya feeling ko ang tatapang nung mga nasa relationship ng men to men. Iba yung paniniwala nila. Iba yung stand nila sa love. It goes beyond measure, body, sizes, gender force. It is not blind."
Kung ang kapartner ni Drei sa pelikula na si Leandre ay in- character na kaagad pagdating sa set kung ano ang role niya, ganun din ba siya mag-internalize ng kaniyang role?
“ Ganun din po pero si Leandre kasi clingy agad pagdating sa set pero ako po sa isip lang. Tahimik lang ako before the scene.”
Sa estilo ni Leandre sa pag iinternalize ng karakter hindi ba siya naaasiwa bilang pareho silang lalaki?
“ We are paid to do the job. Kailangan kong gumawa ng mga bagay na hindi naman babaliin yung prinsipyo ko.
Posible ba talaga ang pagmamahalan ng magkaparehong gender?
“ Love is love.Kailangan tanggalin na natin yung thinking natin na ay kakaiba ito. .Normal po yun na nagmamahalan tayo."
May nagkagusto na ba sa kaniya na bading at nakatanggap na ba siya ng indecent proposal?
“ Madami dami na po pero kasi minsan nakaka-off din na may mga relationship tayo na gay, wala naman problema dun pero kung kayo mismo gay kayo, ipo-front niyo yung money niyo o kaya yung pwede niyong ibigay sa tao parang nakaka-off siya. Kung gusto nating magmahal, magmahal na lang tayo."
Nang tanungin siya kung ano ang pinakamahal na offer sa kaniya, sey nya “ Baka hindi na po tayo nagtatrabaho.”
Wala pa naman daw siyang tinanggap pero karamihan naman daw sa mga ito ay naging kaibigan niya.
Hindi ba siya nag-aalala na sa pagtanggap niya ng mga BL projects ay mastereotype siya?
“ Sa generation po naming hindi na po ubra yung ma-stereotye tayo. Respect na po ngayon. Kahit po sa gender identity. Kahit sobrang lamya ng isang tao hindi natin pwedeng sabihin na para kang bakla.. Yung iba nga sobrang lalaki kumilos pero iba yung gender identity. Napakalawak na usapin kung sisimulan natin sa stereotype."
Agree nga si Drei na ang stereotyping is a thing of a past dahil nilalabanan na raw ito ngayon.
Kapag napanood ang "Baka Sakali" ay makukumbinsi ang manonood sa kanilang portrayal kaya naman tinanong ang aktor kung ano ang gender niya na siya naman niyang diretsahang sinagot.
“ Yung gender identity ko po ang gender fluid. Wala po sa akin yung mga….nagkaroon na po ako ng ex na lesbian at ex na transwoman. Sabi ko nga po sa inyo kapag confident kayo sa sexuality niyo magtiwala lang kayo sa mga character na binibigay sa inyo.
“ Iba po yung gender identity sa gender expression natin ha. Hindi porket napaniwala kayo sa role ko ganon na ako sa totoong buhay magkaiba po yun. Kaya siguro stop na natin sa stereotyping. BL movie.
Baka Sakali is now streaming on AQ Prime starring Drei Arias and Leandre Adams with Seon Quintos and April Congratulations. Directed by Bong Ramos.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento