Eytch Angeles, masaya sa tagumpay na paglunsad ng Jan B Entertainment NYC sa Pilipinas

by Mildred A. Bacud

Naging matagumpay ang Philippine launch ng Jan B Entertainment NYC, ang Digital Artists, First Community Mic Series na ginanap last February 1, sa Illusions Pub and Grill CafĂ© sa Mandaluyong City. 


Nagperform ang mga bagong artists nito na sina Almyn, Boyong, Chelle, Tif at Ashley. Bagaman wala ang  main act at siyang nagtayo ng Jan B Entertainment na si Eytch kasama ang asawang si Jan Torres Bocobo na nakabase sa New York  ay nakasama pa rin siya sa nasabing launching via online. 

Napahanga ang press people sa distinct voice at husay ni Eytch kumanta.

Malaki ang naging papel ng digital platform kay Eytch bukod sa pagsisimula niya bilang radio DJ, songwriter at singer.  Halos anim na raang cover songs ang nagawa na niya sa singing music app na Star Maker kung saan dito siya nagsimula.  Dito ay tumibay at mas lalu pang na-inspire ang singer na ipagpatuloy ang pangarap.

Hindi na rin mabilang ang naging performances niya sa Amerika kasama ng ilang kilalang singers dito sa Pilipinas, ang huli nga ay nang makasama niya ang bandang Spongecola.  Patuloy rin ang success ng bagong single ni Eytch na may titulong ang ‘’Ang Kalawakan,’’ na susundan pa ng limang komposisyon na kaniyang ginawa.

Kasama rin sa plano ni Eytch ang makauwi muli sa bansa at magperform sa sariling bayan.

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry