Gutierrez Celebrities and Media Production launch

by Mildred A. Bacud

Bongga ang ginanap na launching ng Gutierez  Celebrity and Media Production no'ng Lunes Feb. 28 sa Skydome Sm North. Sa pangunguna syempre ng founder at CEO na si Madam MJ Gutierez.  Ngayon pa lamang ay marami na silang pasabog na pelikula at shows kung saan mapapanood ang karamihan dito sa All TV sa relaunching nito by July.

Ang Gutierez Celebrity and Media Production ay isang bagong talent management kung saan tutulong sila sa pagmamanage ng mga talents, celebrities at social media influencers.

Nagpo-produce rin ito ng pelikula at serye na mapapanood sa ALLTV. Nakipag-parter ang GCAMP sa nasabing network. Kaya naman sa launching nito, ay nandoon ang ilang big bosses ng ALLTV.

Nagpa-facilitate rin ng workshops ang GCAMP.
Ang mission ng GCAMP ay to enhance the lives of individuals  with finest entertainment and promote best of talents.

Ang upcoming movies ng GCAMP ay ang  horror na Jeongbu,  na bida si Alur Abrenica at mula sa direksyon ni Topel Lee na kapwa oresent sa launching. Ang A Lasting Love To Remember, na isa namang drama mula pa rin sa direksyon ni Topel.

May plano rin sila na gumawa ng comedy films.
Ang upcoming series naman nila ay ang The Life Savers na isa sa bida ay si Kaleb Ong, at Love Bound.

May noontime show rin sila, ang Stan Party (Sunday Trending and Non-stop Party), na ang mapapanood dito na mga performers ay mga upcoming stars.

Sa launching ng GCMAP, ay pinasalamatan ni Madam MJ ang lahat ng dumalo sa kanilang events, ang entertainment press, sponsors,ang representative ni QC Mayor Joy Belmonte na  si Sir Apostol, ALLTV at higit sa lahat si Lord.

Sabi niya,"Thank you Lord for giving me the strength na maitayo ang Gutierez Celebrities and !Media Productions.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!