Isko Moreno pinaliwanag kung bakit tinanggap ang Martyr or Murderer
Sa pangalawang grand presscon ng pelikulang Martyr or Murderer ay present na ang dating Mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Kaya naman tinanong kaagad ng mga press na naroon kung bakit tinanggap niya ang nasabing pelikula.
Alam naman ng publiko na magkalaban sa tinakbuhang posisyon sina Yorme at Presidente Bongbong Marcos bilang Pangulo nung nakaraang eleksyon at hindi ito pinalad. Maging si Senator Imee Marcos ay hindi nagulat din daw ng bonggang bongga na tinanggap ito ni Isko.
Sey ni Isko hindi na siya nagdalawang isip pa dahil sa bukod sa talagang namiss niyang umarte uli, itinuturing niyang malaking karangalan ang mapasama sa pelikula ng Viva Films at ni direk Darryl
“Immediately, I said yes, kaya I’m happy and honored. It’s also a great challenge to portray such character like Ninoy who was declared by the state as a hero. It’s a happy experience.
“May mga nakaiintrigang portion sa ‘MoM’ na dapat panoorin, kaya ‘yun ang dapat nilang abangan,” sabi ni Isko.
Dahil dito ay pinuri ni Sen. Imee ang dating Manila Mayor.
“Good thing coming from the senator kasi wala akong ampalaya sa buhay. In a competition, may nananalo, may natatalo. It just so happen na ako ‘yung natalo, and that’s it.
“The next day, there’s a new day, there’s new life. Even Imee can attest to this, Bonget…sorry I call him Bonget kapag medyo kilala mo na.
“President Bongbong Marcos is also a mutual… parang, alam nila produkto nila ako. The mom, First Lady Imelda Marcos, built Tondo High School. Doon ako nag-graduate and they know it.
“September 25 nang dumating si Apo (dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.) sa eroplano, sa tarmac. I was there.
“Wala akong asim sa kanila. It’s just so happen that we competed and I lost, and that’s it. Nandoon na ‘yung tuldok ng buhay. Ngayon, I’m trying to make a living,” sambit pa ni Yorme.
Idinagdag pa ni Yorme na wala muna siyang planong sumabak muli sa politika dahil mas gusto niyang subukan muli ang pag-aartista. Kailangan din kasi niya ng trabaho para may pagkakitaan at patuloy na masuportahan ang kanyang pamilya.
Showing na sa mga sinehan nationwide simula sa March 1 ang Martyr Or Murderer” Kasama rin dito sina Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Cesar Montano Sachzna Laparan, Jerome Ponce, Beverly Salviejo,Elizabeth Oropesa at marami pang iba, sa direksyon ni Daryl Yap.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento