Laverne, excited sa self-titled concert sa Teatrino
by Mildred A. Bacud
Pagkatapos ng matagal na pahinga sa showbiz ay handa na nga si Laverne na balikan ang first love niyang gawin, ang singing. Magkakaroon siya ng post valentine concert this coming February 25 sa Teatrino Greenhills. Special guests self titled concert niya ay sina Dingdong Avanzado at Marissa Sanchez.
Ang manager na si Beth Carrasco Fabillaran daw ang nagkumbinsi sa kaniya ng bumalik sa showbiz kasama pa ang ilang kaibigan na sina Ms. F Fernan de Guzman, Joey Austria, Jonas Virtudazo at Suzette. Humarap si Laverne sa press people kamakailan lang kabilang ang Showbiz Unlimited Ph.
Sino ang namili ng mga guest niya?
Nagkasama na kami ni Ms. Marissa Sanchez sa Sulu Hotel wayback 90’s at magaling talaga siyang kumanta bukod sa pagpapatawa. Si Dingdong naman bukod sa family friend naming client din siya ng brother kong fashion designer si Loyd Arceo.
Ano ang aasahan sa kaniyang concert?
"Syempre marami kaming surprise na gagawin. Marami din akong kakantahin dun na maririnig niyo na nirevive ko. Kanta siya ni Kuh Ledesma. Surprise kailangan manood kayo sa concert ko para marinig niyo. "
Anong preparation ang ginawa niya?
"Pinaghandaan ko talaga ito for three months.
Paano nga ba nagsimula ang kaniyang career as a singer?
“Nagstart ako nung college pa ako. Nagdya- jamming lang ako sa isang music bar sa Timog kasama yung brother ko tapos kumanta ako dun pagbaba ko ng stage, maraming nag offer sa akin at nagtanong kung professional singer ba ako."
Naging hadlang lang sa pagkanta niya no'n ang ama na tutop sa pinili niyang career.
" Ayaw talaga ng father ko kasi gusto niya tapusin ko muna yung pag-aaral ko which is tinapos ko naman pero nag-iba ako ng course. "
Kinailangan din daw niyang palitan ang real name niya Laverne sa screen name na "Michelle Milan," para di malaman ng ama na sikreto niyang pinagpapatuloy ang gusto niyang gawin. Pero dahil mahal ang ama hindi siya nag-full blast sa showbiz.
Sa kanyang comeback sa showbiz ay siya ring launching gg kaniyang single na " Kahit Ilang Ulit," na kinompose no Elmer Blancaflor nansiya ring musical director sa kanyang concert.
Ang Laverne concert ay handog ng EV at Sure Productions and Talent Management. Isa itong benefit show for Holy Trinity Home for Children. Produced by Elizabeth Carrasco Fabillaran, co producers Suzette Recto and Reinhardt Mendoza, sa direkyon ni Vivian Poblete Blancaflor.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento