Love Anover balik telebisyon via "Love and Everythaaang" sa Net 25

by Mildred A. Bacud

Love Anover is back on TV pero sa bago na niyang tahanan, ang Net NET25 via her new show, ang Love and Everthaaang “Love and Everythaaang!” 

Matagal din nagpahinga si Love. Kilala siya sa kanyang pagiging masayahin, matalino at kakayahang makihalubilo sa mga manonood. Ang mga katangiang ito ang magbibigay-buhay sa “Love and Everythaaang!” na ang tanging hangarin ay ang magbigay inspirasyon sa mga tao.  

Sabi ni Love, “This show will be able to inspire people to live and appreciate how beautiful life is, na bawat isa sa atin ay may power at skill within us that can and will get us through life no matter the circumstance will be.”

Excited din si Love dahil ito ang kanyang first Radio-TV show. Sobra ang kanyang pasasalamat sa NET25 management dahil sa regalong ito na ibinigay sa kanya lalo na't ise-celebrate niya ang kanyang kaarawan ngayong Pebrero.

“Thankful ako sa NET25, na kabilang ang pangarap ko na ito sa kanilang regalo sa akin. Ipinapangako ko naman na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para magawa ang responsibilidad na ito nang maayos at makabuluhan," dagdag pa ni Love.

Nagpahayag din siya ng kanyang pasasalamat sa lahat ng kanyang mga kaibigan na walang tigil na naniniwala sa kanya. Inamin din niya na nahasa ang kanyang kakayahan at talento dahil sa suporta ng production team at ng kanyang mga mentor, isa na rito ang award-winning na mamamahayag na si Ms. Cheche Lazaro.

“I mean, Team 'Love and
Everythaaang!' is a dream team for me. Sila ‘yung mga taong nakatrabaho ko na, kakilala at sa haba nang pagsasama ay naging mga matatalik ko nang kaibigan mula pa sa Probe Productions, Inc. ni Ms. Cheche Lazaro. The values and skills sa paggawa ng mga programa at pagbuo ng mga istorya, ay dala-dala namin hanggang sa ngayon na nakuha namin sa Probe, at babaunin namin siguro magpakailanman,” ani Love.

Tampok sa "Love and Everythaaang!" ang iba’t ibang panauhin, mula sa mga aktor at musikero, hanggang sa mga content creators at negosyante. Nangangako ang programa na magbibigay ito ng bagong pananaw sa mundo.

Samantala, masayang tinatanggap ni NET25 President Caesar R. Vallejos si Love bilang bahagi ng lumalaking pamilya ng network. Inamin din niya na isa siya sa mga tagahanga nito. Aniya, "Personally, I am also a fan of hers because of her reports with the Probe Team. It was her line 'my English is limited edition' na hindi ko makakalimutan.”

Dagdag pa ni Vallejos, "We also have an aligned vision with her brand -- to continue giving laughter and hope to Filipinos not only here in the Philippines but in different parts of the world."

Sabay na mapapanood sa NET25 at mapapakinggan sa Radyo Agila ang “Love and Everythaaang” simula sa Pebrero 13, 2023, Lunes sa ganap na 11 AM.

Mapapanood ang NET25 sa mga sumusunod na channels: Channel 28 (digital free TV), 25 (Analog free TV), 18 (Skycable), 17 (Cablelink), 14 (Cignal), 18 (destiny), 25 (Satellite), at 38 (G-Sat).

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry