Ruffa Gutierrez sa mga bashers: Trabaho lang walang personalan

by Mildred A. Bacud

Napakaganda at bagay na bagay talaga ang role bilang Madam Imelda Marcos kay Ruffa Gutierrez. Kuhang kuha kasi niya ang tindig, ganda at glamorosa ng dating first lady.

Sa red carpet ar presscon ng MoM( Martyr o Murderer) ay sinabi ng aktres kung paano niya inaral ang kanyang karakter.   

" You know because I stole the photo of Madam Imelda and myself sa bahay namin sa White Plains so kasama ko na yung litratong yun sa pagtulog ko, pagkain ko, habang nanonood ako ng TV kasi.

"  I remember during Maid In Malacanang sabi ni direk, “ Rufi, hindi ka beauty queen, Madam Imelda Marcos ka, hindi pwedeng fierce, kailangan laging sweet lang lagi so para sa akin since mahilig akong rumampa at yun ang nakasanayan ko mga fierce roles, I really have to downplay my expression bilang first lady madam Imelda Marcos.

Ito raw ang naging challenge sa pagganap niya sa dating first lady. 
Sa tingin ko ang pinakachallenging na eksena dito sa pangalawa is yung eksena namin ni Isko. Kasi first time namin magkasama ni Isko sa pelikula. Magkasama kami nong araw sa That’s Entertainment. Limang pages yata yun na tuhog. Para sa akin yun yung pinakachallenging kasi very important scene yun sa pelikula. 

"Lahat ng mga kasamahan ko dito lahat sila mahuhusay when were on the set we really work hard and we do our job as actors. 

Hindi naman maiiwasan na sa pagkakaroon mg sequel ng Maid In Malacanang ay magkaroon sila muli ng bashers. Ano ang reaksyon ni Ruffa?

" Alam kong nabuhay ulit yung mga bashers,nagpahinga sila for awhile. Gusto ko lang sabihin sa kanila na trabaho lang po ito at walang personalan."

Agaw pansin naman ang kikinang na dyamante suot na hikaw ng aktres. Natanong ng kanyang publicist  kung ilang  karat ito. 

Sagot niya, " Hindi ko alam kung ilang karats ito pero of course I’m playing the role of Madam Imelda so I have to wear the best. 
Dahil blockbuster ang MiM, ano ba ang expectation niya sa MoM?

" I expect that this will be bigger. Direk Daryl Yap never fails to surprises us and it was the first time to watch the trailer kanina and I’m sure lahat tayong lahat napa- ha, ulitin natin ulitin natin. 

" Ganun si direk and I believe we’re in good hands because Viva is the producer. Trailer pa lang marami ng aabangang bago dito hopefully it will be a more blockbuster than the first.

Bukod kay Ruffa, kasama din sa cast sinaCristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Isko Moreno, Kyle Velino, Marco Gumabao, Jerome Ponce, Cindy Miranda, Rose Van Ginkel, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, sa direksyon ni Darryl Yap at showing na sa March 1. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!