The Manila Film Festival, mas pinalakas ang pagbabalik!

By Mildred A. Bacud

Sa panguguna ni Manila Mayor Honey Lacuna ay pormal ng binuksan ang pagbabalik ng The Manila Film Festival. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Artcore Productions Inc.. Naganap ang signing ng Memorandum of Agreement last February 10 sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall. 

Naroon din ang utak at pinagsimulan ng ideyang ibalik muli ang TMFF na si Bise Mayor Yul Servo at si Ms. Edith Fider. Naroon din para sumuporta ang mga direktor na magsisilbing mentors na sina Al Tantay at Jay Altejeros.

Iba na ang requirement ng nasabing Festival dahil layon nilang buksan ang pintuan sa mga estudyante na magiging next generation filmmakers. 

Bukas ito sa senior high school at college students. Walong pelikula ang pipiliin sa lahat ng magpapadala ng kanilang entry.

Hihingi rin ng tulong ang Komite ng ng TMFF sa Department of Education at Commission on Higher Education para suportahan ang proyektong ito na layuning ibalik ang sigla ng pelikula matapos ang pinagdaanan ng movie industry. Pero pagbibigay diin ng bumubuo ng nasabing Festival ay hindi lamang ito bukas para sa mga taga Maynila maging buong bansa.

Sa speech ni Mayora Honey,  binahagi niya ang kasaysayan ng Maynila na aniya dito sa lungsod na ito nagsimula ang Metro Manila Film Festival.


Sa panguguna ni Manila Mayor Honey Lacuna ay pormal ng binuksan ang pagbabalik ng The Manila Film Festival. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Artcore Productions Inc.. Naganap ang signing ng Memorandum of Agreement last February 10 sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall.  Naroon din ang utak at pinagsimulan ng ideyang ibalik muli ang TMFF na si Bise Mayor Yul Servo at si Ms. Edith Fider. Naroon din para sumuporta ang mga direktor na magsisilbing mentors na sina Al Tantay at Jay Altejeros.

 

Iba na ang requirement ng nasabing Festival dahil layon nilang buksan ang pintuan sa mga estudyante na magiging next generation filmmakers.  Bukas ito sa senior high school at college students. Walong pelikula ang pipiliin sa lahat ng magpapadala ng kanilang entry.

 

Hihingi rin ng tulong ang Komite ng ng TMFF sa Department of Educationat Commission on Higher Education para suportahan ang proyektong ito na layuning ibalik ang sigla ng pelikula matapos ang pinagdaanan ng movie industry.   Pero pagbibigay diin ng bumubuo ng nasabing Festival ay hindi lamang ito bukas para sa mga taga Maynila maging buon bansa.

 

Sa kaniyang speech binahagi niya ang kasaysayan ng Maynila na aniya dito sa lungsod na ito nagsimula ang Metro Manila Film Festival.

“  Way back 1966, yung amin pong Alkalde na si Mayor Antonio Villegas, sinumulan po niya yung Manila Tagalog Film Festival kaya di po ba sa MMFF may special award na Gat Antonio Villegas award kasi dito po nagsimula yan.”

Tumagal daw ito hanggang noong 1973 ay natigil ito.

 

“ Na-revive siya ng 1975 pero hindi na lamang Maynila pero naging nationwide na kaya tinawag siyang Metropolitan Film Festival at  napalitan na no’ng 1977 at naging Metro Manila Film Festival.

 

Pero sa Maynila ayon pa sa Mayora ang kanilang mga naging alcalde ibinalik yung Manila Film Festival na sinimulan no’ng 1992 hanggang 2003.

“ Natigil  po siya. Fast forward tayo no’ng panahon ng aming dating Mayor Isko Moreno ay pinilit namin na sa kasagsagan ng pandemya ay buhayin ang turismo dito sa Maynila. Hindi lamang turismo na nakatuon sa magagandang lugar sa Maynila kundi sa lahat ng bagay. Pinaganda namin ang mga historical place dito, mga lugar na hindi naman datin pinunpuntahan.”

 

Kuwento ni Mayora no’ng nakaraang taon daw ay niyaya siya ng kaniyang asawa na manood ng sine. Kakabukas lamang daw ng mga sinehan at ang pinanood daw nila ay tagalog movie.

 

“ Kaya lang nakakalungkot dahil sa pagpasok naming sa isang kilala sinehan, sasampu lang kami.  Nakakalungkot dahil tila ba namamatay na ang film industry kaya ngayon po dahil ako ay napapaligiran ng mga kasamahan sa konseho, ang aking kasamahan na si Vice Mayor Yul Servo Nieto na napaka-passionate po sa kaniyang sinumulan na craft na film industry and ofcourse si Konsehal Lou Veloso, sana mabuhay muli ang film industry sap ag-launch ng Manila Film Festival.”

Nagandahan daw si Mayora sa ideya na ipinrisinta sa kaniya na hindi lamang mainstream o kilalang artista na kundi sisimulan sa mga mag-aaral hindi lamang sa lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa.

 

Dagdag pa ni Mayora, “ Dito na maho-hone ang craft ng mga future film makers sa mentorship ng magagaling na filmmakers gaya nina direk Al at direk Jay.”


“  Way back 1966, yung amin pong Alkalde na si Mayor Antonio Villegas, sinimulan po niya yung Manila Tagalog Film Festival kaya di po ba sa MMFF may special award na Gat Antonio Villegas award kasi dito po nagsimula yan.”

Tumagal daw ito hanggang noong 1973 ay natigil ito.

“ Na-revive siya ng 1975 pero hindi na lamang Maynila pero naging nationwide na kaya tinawag siyang Metropolitan Film Festival at  napalitan na no’ng 1977 at naging Metro Manila Film Festival.

Pero sa Maynila ayon pa sa Mayora ang kanilang mga naging alcalde ibinalik yung Manila Film Festival na sinimulan no’ng 1992 hanggang 2003.

“ Natigil  po siya. Fast forward tayo no’ng panahon ng aming dating Mayor Isko Moreno ay pinilit namin na sa kasagsagan ng pandemya ay buhayin ang turismo dito sa Maynila. Hindi lamang turismo na nakatuon sa magagandang lugar sa Maynila kundi sa lahat ng bagay. Pinaganda namin ang mga historical place dito, mga lugar na hindi naman datin pinunpuntahan.”

Kuwento ni Mayora no’ng nakaraang taon daw ay niyaya siya ng kaniyang asawa na manood ng sine. Kakabukas lamang daw ng mga sinehan at ang pinanood daw nila ay tagalog movie.

“ Kaya lang nakakalungkot dahil sa pagpasok naming sa isang kilala sinehan, sasampu lang kami.  Nakakalungkot dahil tila ba namamatay na ang film industry kaya ngayon po dahil ako ay napapaligiran ng mga kasamahan sa konseho, ang aking kasamahan na si Vice Mayor Yul Servo Nieto na napaka-passionate po sa kaniyang sinumulan na craft na film industry and ofcourse si Konsehal Lou Veloso, sana mabuhay muli ang film industry sap ag-launch ng Manila Film Festival.”

Nagandahan daw si Mayora sa ideya na ipinrisinta sa kaniya na hindi lamang mainstream o kilalang artista na kundi sisimulan sa mga mag-aaral hindi lamang sa lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa.

Dagdag pa ni Mayora, “ Dito na maho-hone ang craft ng mga future film makers sa mentorship ng magagaling na filmmakers gaya nina direk Al at direk Jay.”

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry