Vince Tanada, inspirasyon si Ninoy sa pagbuo ng pelikulang I Am Ninoy

Jampacked at SRO (Standing Room Only) ang naganap na premiere night ng pelikulang Ako Si Ninoy nitong Pebrero 18, 2023, Sabado, sa Cinema 7 ng Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati City.

Kabilang kami sa mga press na naimbitahan kaya nasaksihan namin kung gaano karami ang taong dumalo. Kumpleto siyempre ang cast na pinangunahan ni  Juan Karlos “JK” Labajo na sa huli ay pinuri ng manonood sa kanyang portrayal bilang si Ninoy Aquino. 

Hindi lang kay Ninoy umikot ang kuwento ng pelikula kundi sa labing-isa pang fictional characters. 

Bago nagsimula ang palabas, ay nagbahagi muna ng mensahe ang direktor ng Ako Si Ninoy na si Vince Tanada.  

 “In 1983, my late dad brought me to the biggest funeral in Philippine history. At age 10, I was part of the two million who attended.

“And for some reason, maybe because of the large group of people who attended, my dad lost me.

“And eventually he found me, clinging tightly to the black fabric connected to the big truck serving as Ninoy’s funeral hearse.

“Hanggang sa panahong ito, hindi ko po maintindihan ang relevance ng kuwentong iyon ng tatay ko. Kasi I was 10.

“At tuwing nag-iinuman sila kasama ng mga barkada niya, lagi niyang ipinagyayabang iyun. Na nawala daw ako at natagpuan niya ako na yakap-yakap yung tela sa truck ni Ninoy.

“But tonight… alam ko na po ang dahilan.

“Nais ko pong magbigay sana ng tribute kay Ninoy gamit ang aking sining. Kaya lang po, alam kong hindi iyon ang gusto niya.

“In 2009, the Benigno Aquino Foundation commissioned me to write a stage musical entitled Ako Si Ninoy.

“And I remember the exact words of late President Cory Aquino. She said, ‘Don’t write only about us. Write also about our people.’

“Well, humble talaga si Tita Cory. Ako naman, bilang bagong manunulat noon, sumunod. At ngayon, eto na nga po iyung pelikula natin.

“It is only tonight that I understand the relevance of the triumvirate, that powerful triangle, that invisible tie—Ninoy, Cory, and the Filipino people.

“Pasensya na po kayo, nanloko po ako… Pasensya na po sa pamilya. Hindi po ito Ninoy biopic.

“Bagama’t iyun po ang prinomote namin sa lahat, hindi po ito tungkol kay Ninoy lamang. Kasi ayaw ko pong magalit si Ninoy at si Cory sa akin.

“Tungkol po ito sa atin bilang isang nasyon. Tungkol po ito sa ating mga kababayan.

“At pagkatapos po akong libakin. Nagsimula nung Katips, at mas lalo ngayon. I still have faith in the Filipino people.

“At sa pamamagitan po ng pelikulang ito, sana… I know that this may not be much, pero sana… masabi pa rin natin that the Filipino is worth living for, that the Filipino is worth fighting for, and ultimately the Filipino is worth dying for.

“Maraming salamat po.”

Dito ay nakatanggap ng malakas na palakpak si direk Vince. 

Ilang ulit na pinalakpakan si Atty. Vince sa marubdob niyang opening remarks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOEL FERRER:
Dumalo si Direk Joel Lamangan sa premiere night ng Ako Si Ninoy.

“Inimbita ako ng direktor. Ako naman ay pumunta dahil alam ko namang maganda ang sinasabi ng pelikulang ito, at kailangang panoorin din ng mga tao ito,” sabi ng direktor ng pelikulang Oras De Peligro.

Joel Lamangan
PHOTO/S: JERRY OLEA  
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Andoon din ang Crying Lady na si Rebecca Quijano, na tumulong sa blocking ng assassination scene ni Ninoy.

Pahayag ni Pinky Amador, “Tonight is quite a memorable evening. And I personally think that this is such an amazing film to be shot, shown, directed, and produced at this particular time.

“And I’m so honored to be part of this cast. Sa mga matatapang, sa mga tumitindig, at sa mga naniniwala sa katotohanan!


Palabas na ang Ako Si Ninoy umpisa Pebrero 22, Miyerkules, sa local cinemas. PG (Parental Guidance) ang rating nito mula sa MTRCB.

Maliban kina JK Labajo at Pinky Amador, nasa cast ng Ako Si Ninoy sina Sarah Holmes, Johnrey Rivas, Marlo Mortel, Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Nicole Laurel, at JM Yosures.

Kasama rin sina Adelle Ibarrientos, Vean Olmedo, Jomar TaƱada, Brae Luke Quitante, Bodjie Pascua, Tursday Vargas, Donita Nose, Sarah Javier, Brylle Mondejar, at Sharmaine Suarez.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry