by Mildred A. Bacud
Ang Pop Rock Superstar na si Yeng Constantino na ang kinuha muli ng Academy of Rock (AOR) bilang Global Ambassadress ng award-winning popular music school
Present sa naturang mediacon at contract signing ay ang President at Founder na si Ms. Priscila Teo, Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo, AOR shareholders Jonathan Manalo, Rox Santos, Jacinto Gan Jr., at Benedict Mariategue.
Ito naman ang eaksyon ni Yeng sa renewal of partnership na ito.
"Gusto ko lang sabihin na I’m so excited sa partnership ko sa Academy of Rock once again. Today marks my 10th years with them. 10 years ago nung nagkakilala kami ni Priscilla (President of AOR). She got me to performed in an event and when I met her, she has this a very big smile in her face. Sabi niya sa akin, I’m going to bring you in Singapore.
Masaya daw si Yeng sa offer na ito ng Presidente ng AOR pero hindi naman daw siya umasa bagaman inisip niyang sana mangyari.
“ She was true to her words and she brought me to Singapore then my management told me na gusto nga akong kunin ng AOR na Ambassador so I’m really really grateful for that memory and journey with the company. Not just that AOR is also a family. Itong partnership po na ito ay napakaganda. Napakaganda ng heart ng AOR para po sa mga batang musicians na.
“ Hindi naman talaga ang music education sa amin but we have this opportunity na ibukas ang pinto ng academy para mas maging maganda ang learning ng mga kabataang pilipino o kahit na sino na mahilig sa music its never too early or too late, nandito po kami bukas ang pintuan naming. So excited with partneship sa songwriting camp, sa music production.
“ Sa edad ko na ito at 17 years ko na sa industry pangarap ko po talagang to mentor upcoming artists at alam ko po magagawa ko yun with my partnership with them. Academy of Rock thank you for welcoming me once again.
Ngayon pa lamang ay excited na si Yeng sa upcoming project nila kung saan magkakaroon sila ng songwriting camp.
“ It’s going to be a huge project kasi alam naman natin na ang mga Pilipino talaga magagaling magsulat pero iba rin talaga kapag may makakasama ka na community na mabababounce back mo yung mga lessons mo. Magkakaroon kami ng music camp at isa ako sa magmementor do’n.
Given a chance na magyaya siya ng kapwa niya Kapamilya star na gusto niyang hilahin para mag-enrol at maging mentor si Yeng?
“ Isa talaga sa mga gusto kong bata sa ASAP si Janine Berdin.. There’s just something about her na parang nakikita ko yung batang ako.. Even nung time nung nakoconfuse ako sa genre ko Nakita ko sa kaniya from her discovery of what she wants to her music and to her image.
Nakita ko rin daw recently ni Yeng ang post ni Janine sa kaniyang post sa spotify na kung ikukumpara last year ay malaki na rin ang pagbabago kung saan ngayon ay nagsusulat na rin ng kanta ang batang singer.
“ Nakita ko na may sarili na siyang playlist sa Spotify. Napakalaki ng potensyal niya. You see her hunger and passion. Exciting yung mga ganong bata na maturuan. “
At kung meron mang Kapamilya aktres na gusto niyang mamentor ay sinabi niyang si Janella Salvador.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento