Alisah Bonaobra ayaw makumpara kay Angeline Quinto
by Mildred A. Bacud
Masaya si Alisah Bonaobra na siya ang napili ng composer singer na si Joel Mendoza na irevive ang awiting 'Hanggang Kailan' na orihinal na inawit ni Angeline Quinto. Espesyal ang kantang ito para kay Joel dahil naging entry niya ito nang sumali sa unang Himig Handog P Pop Love Songs no'n ng Star Music taong 2014.
Sa katatapos lamang na media conference ni Alisah ay hindi maiwasan itanong sa kaniya ang pagkukumpara sa bersyon nila ng kanta ni Angeline. Wala naman daw dapat comparison dahil mataas ang paghanga nito kay Angeline. Pag-amin lamang ni Alisah bagaman happy siya sa pagkakapili sa kaniya at the same time ay nakaramdam din siya ng pressure.
"Ni-record namin ang kanta ng anim na oras, na si Joel Mendoza ang vocal coach.
Ang intense body language ni Sir Joel habang nasa studio kami ay nakapokus sa best version ng kanta," sey ni Alisah.
Ang Hanggang Kailan ay ni-record sa Wild Grass Studio sa QC at prinodyus ng San Francisco-based RJA Productions at ipinamahagi ng Star Music PH.
Tulad ni Angeline, produkto rin si Alisah ng talent search kung saan naging 1st runner-up siya sa The Voice of the Philippines second season.
Noong 2016 ay naging finalist siya sa Just Duet sa Eat Bulaga. Nakilala rin si Alisah sa 14th series ng The X Factor noong 2017.
Sumali rin siya sa WCOPA at naging lead character bilang Aileen Dimaraan sa PETA’s hit musical “Rak of Aegis.
Ang kanyang awiting "Faithful" na kinompos ni Cecile Azarcon-Inocentes ay nanalong Best Inspirational Song sa 43rd Catholic Mass Media Awards last 2021. Kaya pagdating sa boses ay walang kwestyon sa husay nito.
Sey pa ni Joel sakaling gagawa raw ng music video si Alisah sa kantang Hanggang Kailan, ang nais daw niyang makapareha nito ay si Piolo Pascual na sinang-ayunan naman ng dalaga na hindi rin naiwasan na hindi kiligin.
"Magaling si Alisah. She is vocally good and there's excellent communication and understanding while we're recording," dagdag pa ni Joel.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento