Andrew Gan at Krista Miller palaban sa sexy scenes sa "Upuan" ng AQ Prime
by Mildred Amistad Bacud
May tampok na namang pelikula ang AQ Prime streaming app na kasalukuyan ng napapanood. Ito ang "Upuan" na pinagbibidahan nina Andrew Gan, Nika Madrid at Krista Miller.
Sa presscon ng nasabing pelikula ay naroon din ang direktor na si Greg Colasito.
Binahagi ni Andrew ang kanyang role sa "Upuan."
“Ako si Sean dito. Asawa ng karakter ni Krista. Its a GL (Girl’s Love) movie, but the difference po sa ibang GL film, focus ang story sa perspective ng dalawang beauty and sexy na girls. Nasanay kasi tayo kapag sinabi na lesbian, yung isa roon ay nagbibihis pang-lalaki.”
Bago daw para kay Andrew ang ganitong tema ng pelikula. Alam daw niya na madalas ay BL series ang madalas gawan ng pelikula. Natanong pa nga siya na kung sakaling mangyari sa totoong buhay na ang kanyang mahal ay may iba at se sex pa ang kanyang karibal.
" Sa akin masakit man pero matatanggap ko kasi mahal konsiya at iintindihin ko. Para sa akin mas matatanggap ko pa nga na yung kahati ko ay same gender sa mahal ko. Mas masasaktan siguro ako kung ipinagpalit ako sa lalaki. "
Pagkatapos ay si Krista naman ang natanong mg press people kung kamusta ang kissing scene nila ni Nika sa Upuan?
“Masarap, okay naman po ang kissing scene namin, okay naman pong katrabaho si Nika. Although noong nagsu-shoot kami, nagtatanong din siya tungkol sa mga ganyan.
“Okay naman po, masarap palang makipaghalikan sa babae.” sagot ng sexy actress.
First time ba siyang nakipag love scene sa kapwa babae?
“Hindi, nakagawa na ako before pero sobrang tagal na niyon, siguro mga eigth years ago na iyon, kay Mara Lopez. Matagal na iyon, ganoon din siya, girflriend lang.
“Pero hindi siya katulad nitong ginawa namin ni Nika. Sobra-sobra ang tindi rito, kasi roon ay medyo pa-sweet pa iyon, eh. Pero rito kasi ay iba eh, may kainan, eh, hahaha! Mga tipong ganoon.”
Dagdag na sagot pa niya, “Oo passionate iyon at hindi bastusin, as in with love talaga iyong eksena.”
Kasama din sa pelikula sina sina Rob Sy, Boogie Canare, Shane Vasquez, Joyce Javier, at Juliana Victoria, with the special participation of Atty. Aldwin Alegre.
Nakakatuwa na kahit sa kasagsagan ng pandemya, isa ang AQ Prime sa mga iilang streaming apps ang naging aktibo sa pagbibigay trabaho sa mga artistang walang trabaho at sa mga taong nasa likod ng kamera. Kaya malaking tulong din ang nagawa nila para sa showbiz industry.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento