Njel de Mesa binansagang Muse ng Philippine Cinema si Arci Munoz

by Mildred A. Bacud

May bago na palang titulo sa showbiz si Arci Munoz, ang "Muse ng Philippine Cinema. 
Sa grand mediacon ng NDM Productions ay tinanong namin si Njel de Mesa kung bakit nga ba ito ang bansag niya sa aktres. 

“Kadalasan kasi si Arci ang nagiging peg naming mga direktor sa aming mga proyekto. Lalo na kapag kailangan ng isang romantic lead na mayroong comedic timing, “ sagot ni direk.

 “Madalas din, nagsusulat rin ang mga manunulat ng piyesa na siya ang nasasa-isip,” dugtong pa ni Direk Njel.

Hindi na kaila sa marami na lahat ng ginagawa ni Arci Muñoz ay pinag-uusapan.

Maski ang kanyang mga kaswal na pagrampa sa mga kalye ng Hongkong o Amerika, beach pictorial para sa kanyang IG, o kanyang mga manliligaw, lahat ay tila nagiging trending sa social media at balita. 

Ang mga pinagbidahang pelikula daw  teleserye ni Arci ay laging pumapatok sa takilya o di kaya’y nagkakaron ng positive reviews. Kaya naman, marami sa kanyang mga kasama sa industriya ang tumatawag na sa kanyang “Muse of Philippine Cinema”.

Sa bago niyang pelikula na “Kabit Killer”, bahagi ng creative process si Arci dahil siya ay isang co-producing partner at isa sa mga artistic directors sa mga projects ng NDMstudios.

Isang dark comedy ang “Kabit Killer” tungkol sa isang hired woman assassin na binabayaran ng mga “legal wives” para patumbahin ang mga kabit ng kanilang mister. 
Si Arci pa mismo ang naging bahagi sa paglikha ng karakter at disenyo ng naturang Kabit Killer. Nagshooting pa ang pelikula sa mga iconic locations sa Cambodia, Malaysia, at Indonesia na ideya rin ni Arci.

“Nag-align ang vision namin ni Arci, dahil pareho kami in our direction that we want to go more global but still being relatable to our local fanbase,” dagdag ni Direk Njel. 
Ang mga bagong proyekto at pelikula ni Arci at Direk Njel, pati na rin ang travel and food lifestyle series na “Arci’s Mundo” ay iaalok nila sa mga streaming platforms gaya ng Netflix, Amazon Prime, at iba pa.

Masayang masaya si Arci na sobra siyang busy dahil sa dami ng projects nila Direk Njel-- na binibigyan naman siya ng kalayaan at creative inputs sa lahat ng aspekto ng produksyon. Tiyak na matutuwa ang fans ni Arci sa kanyang mga bagong projects dahil dito niya maipapakita na hindi lang siya mahusay sa pag-arte, kundi siya rin ay isang matalinong creative executive na may alam sa pagpapatakbo ng isang produksyon.

Pareho daw ng wavelength sina Arci at direk Njel kaya siguro mabilis silang nagkasundo. 

"May gusto kaming gawin na proyekto at pareho kaming landas na gustong tahakin. Gusto naming mag-shoot sa ibang lugar. Gusto naming parehong maging masaya.

May mga proyekto kami na prepandemic pa na naantala ng naantala. Naiba na yung proyektong pinag-uusapan naming. Dahil busy rin si Mona (Arci) at that time hindi matuloy tuloy yung ibang proyekto dahil puro ideas lang pero nagkataon na may sandali na may pahinga siya dun sa mga ginagawa niya tapos nakapag-isip kami kung anong pwede namin simulan.

"Syempre nandun na kami sa estado ng buhay naming na kaya na naming magproduce."

 Karamihan daw ng projects ni direk Njel ay coproducer si Arci.

Binanggit na ni direk isa isa ang kanyang projects, Kabit Killer, Arcis Mundo, Tru or False Positive,Sub Text na nanalo sa Palanca kasama sina Ciara Sotto at Paolo Contis, Aberya kasama ang artists ng Mindset Production nina Alvin at Frank Millari. Co producer daw nila si  Atty.  Larry Gadon.

 Natanong si direk kung nasa plano rin niya ang pagmamanage ng talents.

“ Hindi ko po linya yan. Base sa  karanasan ang mga talents po minsan walang utang na loob. Joke lang?" 
Nagpapasalamat naman si direk Njel sa mga artistang nakukuha niya na aniya ay mababait at hindi sakit sa ulo.
 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry