Yassi Pressman kakaririn ang pagiging komedyante

by Mildred A. Bacud

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak sa pagpapatawa si Yassi Pressman sa TV5 and Viva Television sitcom na "Kurdapya."

Base ito 1954 movie ni Pablo Gomez na pinagbidahan ni  Gloria Romero. 

Sa 2023 television version ng Kurdapya, gagampanan pa rin ni Yassi ang papel bilang sina sina Kuring at Daphne na may magkaibang karakter. Challenging dahil ang isa ay may ginintuang puso at ang isa naman at  spoiled brat. 
Ang Kurdapya ang unang sitcom ni Yassi, pero nagdalawang-isip daw siyang tanggapin ang proyekto dahil hindi niya linya ang pagpapatawa.

“To be honest, sinabi ko po na kung puwede na pag-isipan ko muna? Kasi kinakabahan po ako dahil sa pressure at hindi ko po yata yon forte. Sabi ko, ‘Kaya ko ba?’

“Sinabi nila, subukan na lang daw kaya tineyk ko naman po yung challenge,” sabi ni Yassi.

Hindi itinanggi ng aktres na medyo nahirapan siya sa dalawang karakter niya sa Kurdapya. Kahit dalawa daw kasi ang karakter niya ay nagiging apat lalu na sa eksenang pagpapanggap ng kani kanilang karakter. 

Sanay na si Yassi sa drama and hosting, this time magpapatawa naman. So anong adjustment ang gimawa niya

Yung naenjoy ko po sa "Rolling In It" eh seasonal siya so every may bagong season kami. Sa hosting kasi nung dumating yung MTV dito sa Asia kinuha rin po nila ako,dun ko nalaman na kaya ko pala maghost na di ko rin inakala.The thing that I enjoyed nost is 'pag nalalagay ako sa isang lugar na hindi ko alam kung anong gagawin, hinahanap ko po sa sarili ko at sa mga taong nakapalibot sa akin, kung gusto nilang magbigay ng knowledge.
 Parang kay direk Easy na maraming nabibigay sa akin patinsa mga komedyante around me na nagpapalakas ng loob ko. Naeenjoy ko yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa no'n  It's a lesrning process for me .

Pero bago tanggapin ang nasabing sitcom, bat nga ba matagal nawala si Yassi?

" Nagkapandemic po kaai no'n tinatapos namin yung show namin,after no'n ginawa ko yung More Than Blue and then Rollin', sinabi ko din kila boss na I wanna take slowly muna dahil maraming nangyari sa akin over the pandemic. Maraming realization and the value of time for me. 

Nabigay ko halos limang taon ko din na halos araw araw nagtatrabaho. Tinayo ko yung bahay ko para sa pamilya ko kaibigan ko and for my dad and when I lost my dad dumeretso din ako sa trabaho. 

After everything kami na lang ng kapatid ko so habang kaya utong panahon na ito, I'm going to treasure this time na bawi sa mga taon na nawala ako really give them my all para pagbalik ko sa trabaho mabigay ko ulit yung 100 percent ko. Ready na po ako ulit."
Bukod kay Yassi kasama rin sa nasabing sitcom sina Ryza Cenon, Nikko Natividad at Marco Gumabao, sa direksyon ni Easy Ferrer. 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry