Coco Martin, proud sa pelikulang "Apag"; Nagbalik tanaw sa rejection sa TV

by Mildred Bacud

Tagumpay ang naganap na premiere night ng pelikulang Apag na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ang mga lead stars ay naroon bukod sa Primetime King tulad nina Gladys Reyes,Jacklyn Jose at Senator Lito Lapid.  Naroon din sina Shaina Magdayao at Mark Lapid kahit na special participation lamang. 
Nagsilbing reunion movie ito nina direk Brillante,Jacklyn at Coco. Alam naman natin na sa indie movies nakilala ng husto ang aktor. 

Nasa mood pa mgang magkwento si Coco. Magbalik tanaw siya sa mga pinagdaanan bago mapasok ang telebisyon. 

Akala raw niya ay magiging madali sa kanya ang pasukin ang telebisyon dahil nakapagbida na rin naman siya  sa indie film na “Masahista” ni Direk Brillante Mendoza noong 2005 pero kung ilang beses daw siyang na-reject.

“ Maikwento ko lang ang tingin sa akin ng network, ang tingin talaga sa akin noon, bold actor, sexy star. ‘Yun talaga ang ano nila sa akin. May offer pa sa akin datin na maging ka- triangle kay Rayver at Shaina. 

“Siyempre, si direk Dante, excited na excited kasi mabibigyan ako ng trabaho, eh. Dahil alam naman natin na ‘pag sa TV, ‘yung ang tinatawag ng mga artista na bread and butter, ‘di ba? Na talagang regular na income ka. ‘Pag sa pelikula kasi, ngayon meron, tapos medyo matagal, wala. Siyempre, excited kami na makakapasok na ‘ko sa TV. Kumbaga, magkakaroon na ako ng regular show,” kwento pa ni Coco.

Pero sa huli ay hindi raw natuloy.

“Biglang binalikan kami, ang sabi, ‘direk, si Coco Martin pala ay bold actor. Eh alam mo naman, medyo conservative kung ila-love triangle kay Shaina saka kay Rayver. Kami naman, parang ‘eh di, okay, ‘di next time,’ ganyan,” patuloy pa Coco.

May pagkakataon din daw na may nag-inquire sa kanila, kung pupuwede siyang maging gay best friend ni Judy Ann Santos sa isang serye pero ang  ending ay naudlot din ito.

“Sabi ko, ‘o sige, laban ako diyan, basta may trabaho.’ Tapos, binalikan na naman si direk Dante, ‘direk, pasensya na. Eh sexy actor pala si Coco Martin,’ ganyan-ganyan, ‘alam mo naman sa TV, medyo conservative,’ ganyan,” kuwento niya.

Aminado raw siyang nasaktan noon dahil napakalaki ng tingin at respeto sa kanyang trabaho bilang actor na para sa kanya ay isang marangal na propesyon.

“Honestly, na-hurt ako do’n. Kasi, sabi ko sa sarili ko, ang taas ng tingin ko sa trabahong ginagawa ko. Hindi ko siya tinitingnan na parang itong proyektong ‘to, gagawin ko ‘to, maghuhubad ako, magpapakita ako ng katawan kasi gusto kong sumikat. Hindi ‘yun. Ginagawa ko ang isang role o ‘yung project na ‘yun dahil naniniwala ako sa respeto ko sa trabahong ginagawa ko. Kahit ano pa ‘yan,” lahad niya.

Umabot daw sa puntong ayaw na raw niyang pasukin pa amg telebisyon. 

“Kasi sabi ko, kung ayaw nila sa akin, eh ‘di huwag. Hindi ko naman ipinagpipilitan ang sarili ko, eh. Sila ang nag-i-inquire sa akin, ang masakit, nakakatikim ako ng rejection. Ang baba ng tingin nila sa akin, pero ang taas-taas ng tingin ko sa trabahong ginagawa ko,” aniya.

Malaki raw ang utang na loob ni Coco kay Jacklyn Jose na siyang nag-udyok sa kaniya na subukan pa. 

" Sabi ni mommy Jane, " anak subukan mo pa para na lang sa akin."

At dito nga ay natukoy na siya sa isang proyekto kay dorek Andot Ranay. And the rest is history. Si Coco na ang masasabing isa sa pinakasikat ngayon sa telebisyon. 

Kaya naman kahit second choice lamang siya sa pelikulang "Apag" na dapat ay kay Aljur Abrenica, ay tinanggap pa rin ng aktor dahil kay direk Brillante.

Mahalaga raw para kay Coco ang kaniyang pinagmulan kaya hindi niya kayang tanggihan si direk. 
Si Coco ay gumaganap sa "Apag"bilang  Rafael Tuazon, anak ng isang Kapampangan businessman na aksidenteng nakasagasa ng isang tricycle driver na kanyang tinakbuhan ang pananagutan.

Ang Apag na Kapampangan word for hapag ay tumatalakay sa kuwento ng pagpapatawad, pananampalataya, paghihiganti at paghahanap ng katarungan.
Bilang pagpupugay ni Direk Brillante sa kanyang Kapampangan roots, itinatampok din dito ang iba't-ibang putahe ng rehiyon.

Mula sa produksyon ng Center stage Productions at Hongkong International Film Festival Society, sa panulat ni Arianna Martinez at sa direksyon ng Cannes best director na si Brillante Mendoza.

Ang iba pang kasama sa pelikula ay Mercedes Cabral,  at Ronwaldo Martin, Joseph Marco, Vince Rillon, at Gina Pareno. Kalahok sa MMFF Summer Film Festival, palabas na ang pelikula sa buong bansa simula sa Abril 8.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry