Ellen Adarna, ayaw ng umarte sa showbiz

BILANG isa sa ambassador ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center, dumalo si Ellen Adarna sa inauguration at ribbon-cutting nito na ginanap noong Wednesday ng happon.
Ayon kay Ellen, tinanggap niya ang offer na maging ambassador ng  nasabing medical clinic dahil aligned na aligned daw ito sa buhay niya ngayon.
Bukod dito, seven years na siyang kliyente ng Shinagawa kaya nag-yes agad siya nang aluking maging endorser nito.
Samantala, pinanindigan ni Ellen ang kanyang desisyon na huwag na munang bumalik sa mundo ng showbiz.
Tulad ng kanyang asawang si Derek Ramsay, mas gusto ni Ellen na i-enjoy muna ang kanyang married life kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.
“Ayokong mag-taping, ayokong mag-soap, alam naman nating it requires a lot of energy and time away from family. It is my choice to take a break,” sabi ni Ellen
Napag-usapan ba nila ni Derek pareho nilang isasantabi muna ang showbiz? 
Sagot niya,“I think, we just met at a perfect time. That when I met him, parang ayaw na din niya. I think, because of COVID, you know, parang he realized a lot of things.”
“When I had Elias, parang it was really my priority that I want to be there on his formative years and so, there, he’s turning 5.”

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!