Jeth at Mygz Molino tumanggap ng award sa Vietnam

by Mildred A. Bacud

Masaya ang manager na si Jeth Carey at ang alaga niyang social media influencer at aktor na si Mygz Molino sa parehong award na nakuha nila sa Vietnam. Ito ang Vietnam International Achievers Awards na ginanap sa Royal hotel Saigon, Ho Chi Minh city last March 30.  Pinagkaloob ito ng Leisure Entertainment Inc. 
Ito ay dahil sa kontribusyon nina Jeth at Mygz sa kanilang larangan. Hindi lamang kasi pagpapasaya ang dulot nila sa kani kanilang vlogs, nagsisilbi rin silang inspirasyon sa mga kababayan lalu na ang mga kapus palad. Aktibo si Mygz sa pagbibigay tulong sa pamamagitan ng kaniyang vlogs sa mga pinaka mahihirap na at nasa laylayan na mga pilipino. 

Hindi lamang d'yan natatapos ang mga awards na matatanggap ni Mygz dahil may award pa siya, ang MELA AWARDS  ng Southern Tagalog 2023 na magaganap sa April  22 sa Queen Margarette Hotel, Lucena.

Ang isa pa ay ang IGAP AWARDS, International Golden Awards Philippines na magaganap sa  May 13, 2023- 5pm sa Aberdeen Court Hotel Quezon Avenue, Quezon City 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!