Limang bida ng Voltes V Legacy, paano nga ba napili?
Matapos ang apat na taong preparasyon, sa wakas ay mapapanood na rin ang “Voltes V: Legacy, ” na handog ng GMA Network. Bukod sa TV Premiere nito sa May 8, ay mapapanood muna siya sa big screen sa SM Cinemas.
Para ma-experience ang reaksyon ng mga tao, ay pinanood namin muli ito sa SM Cinema at nostalgic talaga ang mga eksena lalu na sa linyang " "Let's Volt In," ng bidang si Steve Armstrong na ginampanan ni Miguel Tanfelix.
Bumaha rin ng luha sa eksena ng pamamaalam ni Carla Abellana na gumanap bilang ina ng mga Armstrong.
Bukod kay Steve, bida rin sina Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, Radson Flores bilang Mark Gordon, at Raphael Landicho bilang Little Jon Armstrong.
“Gusto naming ma-experience ng Gen Z ang naramdaman noon ng mga magulang nila nung kabataan nila. ‘Yung feeling na uuwi ka galing school tapos mahu-hook ka sa kuwento ng magkakaibigan at pamilya.
Gusto naming ipa-feel sa kanila ‘yung tuwa, lungkot, excitement, takot at lahat ng emosyon,” sey ni Miguel na handpicked sa nasabing role.
Hindi naman inasahan ni Ysabel na mapupunta sa kaniya ang papel bilang si Jamie. Halos patapos na nga raw ang audition for the said role ng subukan niya.
" Destiny na nasa GMA ako. Sinubukan ko lang and I never expected na magbabago ang buhay ko ng project na ito."
Si Matt Lozano na gumaganap bilang si Big Bert ay dumaan din sa audition. Ninahagi rin niya ang karanasan sa tapings ng Voltes V.
“This is my first lead role kaya grabe ang kaba ko nung una. Pero sobrang masaya ako kasi nandiyan ‘yung co-actors ko at si Direk Mark Reyes para mag-guide. Minsan naiisip ko parang magkakapatid na talaga kami, parang totoong pamilya at ‘yun ang best part ng show.”
Si Radson naman bilang si Mark ay dumaan din sa audition at super proud sa pagjaiabilang niya sa cast.
“Proud po talaga ako nung nakuha ko ang role ni Mark Gordon. Bilang newbie actor, mahirap makakuha ng project and mahirap siyang i-sustain. So may halo ring luck and hardwork na nakuha ko ang role. Kaya kahit anong mangyari, lagi kong ipagmamalaki na naging part ako ng project na ito.”
Nakakatuwa namang pag-amin ni Raphael Landicho na pinili lang din siya sa role na Little Jon at di na dumaan sa audition. Dagdag kwento pa niya marami raw silang pagkakapareho sa karakter niya sa Voltes V.
“Marami po kaming similarities like pagiging bibo, makulit, mahilig sa gadgets at higit po sa lahat, ‘yung pagiging mapagmahal sa magulang. Kailangan po itong panoorin ng kabataan dahil tungkol ito sa importance ng family. It will also teach everyone to be brave, strong, independent, matured, and kind.”
Ang “Voltes V: Legacy” ay ang pinakamalaki at magastos na TV production na ginawa ng Kapuso network. Binida ito ni direk Mark Reyes .
“Close to 1,000 people ang nagtulungan para malikha itong buong series in a span of 3 to 4 years. It was a long, complex, pandemic-stricken challenge for everyone involved. Pero I can proudly say that the whole team succeeded with a 100% Pinoy-made production that will entertain audiences not only locally, but also globally.”
Bukod sa limang bida, kasama pa ang makalaking artista ng GMA tulad nina Dennis Trillo, Max Collins at Varla Abellana. Kasama pa sina Gabby Eigenmann, Albert Martinez , Martin del Rosario Liezel Lopez, Epy Quizon Carlo Gonzales at marami pang iba.
Inawit naman ng Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose ang official Japanese theme song of “Voltes V: Legacy.”
ang live action series ay produced ng GMA Network in partnership with Toei Company, Ltd. and Telesuccess Productions Inc.
Mapapanood na ang “Voltes V: Legacy” weeknights at 8:00 p.m. on GMA Telebabad and at 9:40 p.m. on GTV
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento