Bagong recording artist na si Dindo Caraig, proud member ng LGBTQ+

Ipinakilala ni mommy Merly Peregrino ang bago niyang talent na si Dindo Caraig sa ilang press people kabilang ang inyong lingkod. 

TALL, dark ang handsome ang alaga ni Mommy Merly Peregrino na si Dindo Caraig, na isang aktor at singer. Ang una niyang single ay may pamagat na Ikaw at Ako.
Sobrang saya si Dindo na natupad na ang pangarap niya na maging isang recording artist.
"Grabe! Araw-araw, gabi-gabi, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nangyayari ito sa akin, 'yung mga magagandang nangyayari sa akin ngayon.  Dati, ang gusto ko lang ay mag-focus sa pag-arte, pero ngayon, isa na rin akong singer,"sabi ni Dindo.
Siyempre pa, malaki ang pasasalamat ni Dindo kay Mommy Merly Peregrino, na tumatayong manager niya ngayon, na talagang all-out ang ipinapakitang suporta sa kanyang singing and acting careeer.
Ikinwento ni Dindo na nakilala niya si Mommy Merly nung magpunta siya sa burol ng namayapang anak nito.
"Ako po kasi nakikitira lang sa dati kong ka-trabaho. Nag-aalaga po ako ng bata. Tapos nung nagpunta nga po ako sa burol, sabi sa akin ni tita Merly, "Gusto mo pag-aralin kita? Dito ka na lang  tumira. Nagulat po dahil kakakilala lang niya sa akin, tapos ganun agad ang sasabihin niya sa akin.  Dun na po nagsimula ang lahat,"
Samantala,sinagot ni Mommy Merly ang isang paratang  sa kanya ng dati niyang alaga na si Clark Samartino, na nu'ng gumawa raw ito ng pelikula ay wala naman umano itong kinita. Na parang pinapalabas nito na hindi binigay sa kanya ni Mommy Merly ang talent fee niya.
 "Sa tingin ninyo ba, kaya kong gawin 'yun? "natatawang simulang sagot ni mommy Merly.
"Alam ninyo, hindi ako marunong mag-agrabyado ng tao, ni minsan.
"Ako po ay nagkaroon ng charity foundation, ang Team Abot Kamay kasi gusto kong marami ang matulungan. Hindi ako nagtayo ng charity foundation para mag-agrabyado ng tao.
"Ngayon kung ako ay sira-siraan pagkatapos ng magagandang ginawa ko sa kanya,ang Diyos na ang bahala. Hindi naman natutulog ang Diyos, eh.
"Tayong mga tao, pwedeng magsinungaling sa kapwa tao natin. Pero sa Diyos hindi tayo pwedeng magsinungaling. Doon lang ako naka-focus sa Nasa Itaas.
"Sige,siraan mo ako, karapatan mo yan, di ba? Kung saan sila masaya, okey lang,"
Tungkol naman sa isyung nasasakal niya na si Clark,at pinakikialaman na raw niya ang persona na buhay nito, ang sagot naman ni Mommy Merly,"Unang-una hindi ko siya kilala. May nagpakilala lang sa kanya sa akin na gusto niyang tulungan ko siya.
"Nag-chat siya sa akin. Sabi ko 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!