Merly Perergrino,may bwelta sa dating alaga na si Clark Samartino

kung interesado ka na magpatulong sa akin, pumunta ka sa bahay ko ng May 14.  That time, nandun sa bahay sina Schzana Laparan at Jerome Ponce.
"Nung nagkausap na kami, ang kwento niya sa akin, sana raw ay matulungan ko siya dahil marami siyang pangarap na naudlot.
"Sabi niya, marami akong naging manager na pinagsamantalahan lang ako. Pinarehan lang daw siya. Ginamit lang daw siya, pero ni singkong duling daw ay hindi siya binibigyan.
"Tapos nung nakilala daw niya si Keanna Reeves, akala niya ay matutulungan siya. Pero nagkamali raw siya. Sakal na sakal daw siya kay Keanna, to the point na pati raw mga magulang niya, at mga kapatid niya, e ayaw pakausap sa kanya. Kaya tumakas daw siya kay Keanna. 
"Pati social media accounts niya, binura niya, para maiwasan na raw niya si Keanna. 
"Siyempre sa kwento niya, naniwala ako sa kanya.
"E ako naman si tanga, pusong mamon, maawain, tinulungan ko siya.
"Tapos ngayon kung ano-ano pang sinasabi niya laban sa akin. Sa akin naman siya nasasakal. Hahaha!"natatawang sabi pa ni mommy Merly.
"Basta ako malinis ang konsensiya ko, hindi ko siya inagrabyado. 
"Ang Diyos ang nakakaalam, na wala akong ginawang masama sa kanya,"

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!