Rozz Daniels, tinuluyan ng kasuhan si Ivy Violan

by Mildred A. Bacud

Nasa bansa ngayon ang singer na si Rozz Daniels kasama ang kaibigan na si Irelyn Arana. Kasama pa ang ibang co-hosts sa Kumu na sina Jerome Sangalang, Harold Evangelista, Derf Dwain at Blessie Cirera ay nagkaroon sila ng mini concert sa Music Box last Sunday. Bago ang pagtatanghal at nagkaroon muna ng media conference. 

Unang kinumusta namin amg kasong sinampa niya kay Ivy Violan. Matatandaang may naganap diumano na kasunduan ang dalawa na irirelease ni Ivy ang mga kanta niya  sa Viva Records pero hindi ito nangyari.

" Pito yung dapat na kantang irirelease niya pero isa lang ang narelease. Naalala niyo naman last time na nainterview ako and I showed evidences kung magkano ang perang nakuha niya sa akin. "

Naghain ng small claim suit si Rozz sa Wisconsin sa Amerika. 

" Dun ko finile kasi halos lahat naman ng transaction sa Amerika nangyari. We akready had two preliminary hearings pero via zoom lang. We have another hearing on June 14, pero she is required to show up. 

Sa kasong isinampa niya, layunin niyang mabawi ang lahat ng kanyang nai-advance sa OPM singer lalo pa’t hindi nito tinupad ang terms ang kanilang agreement.

Naniniwala si Rozz na  malakas ang chance na maipanalo niya ang kaso lalu't kumpleto aniya siya ng mga dokumento o ebidensya.  

Ang kaibigang si Irelyn ay nakapagbigay rin daw ng dalawang libong dolyar pero hindi rin tinupad ni Ivy ang parehong pangako tulad kay Rozz. 

" Ayoko rin kasi ng gulo kaya si Rozz na lang muna yung nagdemanda. But I am here to support my friend at willing naman akong magtestigo. 
Hindi man magdemanda dahil ayawAyon naman sa kaibigan nitong si Irelyn Arana, kailangang magpakita ni Ivy sa nasabing korte sa Tate dahil kung hindi ay posibleng magkaroon ng isyu ang singer sa kanyang citizenship lalo na’t green card holder ito.

Dagdag pa niya, willing din daw siyang tumestigo sa  kaso ni Rozz against Ivy.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Ms. Ivy Violan. 

Sa May 14 ay babalik na sa Amerika sina Rozz at Irelyn. Hindi naman daw dito natatapos ang pangarap nilang mapansin bilang singer sa Pilipinas. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry