Summer Blast 2023 dinumog ng halos 120k na katao sa Philippine Arena

by Mildred A. Bacud


Hindi rin naman pahuhuli ang Pilipinas dahil kung ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, tayo  ay may Summer Blast! Dito’y tampok ang bigating concert experience, samo’tsaring pasyalan, amusement rides, booths, at summer-themed attractions, na talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023.


Mahigit 120,000 lang naman na katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan noong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast. Walang naiulat na aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad Nakisaya at nakikanta ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy, at si Gloc-9. Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos ‘di mahulugang-karayom sa dami ng nanood.

Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag din ng kanilang naging experience.

“Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!” ani Gloc-9.


Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng, “It really was a blast!”

Nagtanghal din ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill, at si Noah Alejandre.

Lumutang ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang Uhaw. Sakto sa tag-init ang kanta at ayon sa banda, na-excite sila sa dami ng nanood.


“We’re super excited, a bit nervous, it’s our first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting,” pahayag ng banda sa isang interview.

Ocampo at Tonipet Gaba ang crowd sa pre-show ng concert.

Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksiyon sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death, at House of Mirrors.

Nag-enjoy din ang marami sa Inflatables, Trade Show, Game Booths, Water Fun, at Car Show. Sinubukan naman ng mga magkakapamilya at magkakaibigan ang amusement rides na nagbigay ng thrill at excitement. Pinilahan naman ang Bazaar at Food Park na naroon din sa paligid ng venue.


Para naman sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan pa rin sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25. Abangan ang detalye sa social media platforms ng estasyon.

Ang tagumpay ng event ay sa pagtutulungan ng pamunuan ng Philippine Arena, Maligaya Development Corporation at NET25, naging matagumpay ang kabuuan ng Summer Blast. Kabilang sa sponsors ng malaking event na ito ang UnionBank, Purefoods, Salem, Executive Optical, Ketopi Philippines, Reinoldmax (WSG Group), Pepsi PH, Godwin Catering, Sunwealth Land Development Corp., Kettle Korn, Eat’s Tukka Time, Max’s, Pacific Synergy Food and Beverages, Skinny Manufacturing Corp., Moon Leaf, MKS, Nature’s Spring, Kapelonggo. E-asypreneur, Canriv Corporation, YC Yummy Ventures, SSB Food Services Corp., Zandhats Express, Goshi Herbal Coffee at EW Villa Medica.






Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry