Bernie bakit nga ba tinaguriang pinakamasungit na tindera sa social media?

by Mildred Amistad Bacud

Isa si Bernie Batin sa mga opisyal na ni-launch last Sunday sa Music Box kasama nina Christi Fider at Shira Tweg. Bagaman kilala sa social media bilang pinakamasungit na tindera, nakakabilib kung paano nag-umpisa ang social media influencer bago pasukin ang showbiz. 

“ Dati po akong OFW sa Qatar bago ko pinasok ang pagba-vlog. Two years ako dun as a cashier the three years naman sa Kuwait , nagtuturo naman akong mag-painting, mag-decorate and hosting din. 
Pero sa totoong buhay ay may tindahan talaga sina Bernie.

“ Ang tindahan po naming ay sa Pangasinan. Ang nanay ko ang nagtitinda dun. Sabi ko sa kaniya isara muna namin kasi ang nanay ko sobrang bait po. Talagang utang dito utang do’n, sige bigay dito, bigay  do’n.”

Bakit tinawag siyang pinakamasungit na tindera sa social media?
“ Kasi nung nagsisimula akong gumawa ng content, ang mga ginagawa ko ay tungkol sa mga masusungit na tindera na mismong ako ay nakaranas. Sila yung naging inspirasyon ko hanggang sa sabihin ng mga followers ko na ‘ikaw na yata ang pinakamasungit na tindera sa social media’”
 
Nakakatuwang tinatarayan niya ang customers niya kapag hindi niya naiintindihan ang binibili ng mga ito, o hindi niya nagustuhan ang pagtatanong ng mga ito sa kanilang mga bibilhin.

Ang nakakaloka ay  kapag gwapo ang bumibili  ay hindi niya ito sinusungitan. At binibigay na lang niya ang bibilhin nito, hindi niya pinababayad. 

Marami ang nakakarelate kay Bernie kaya naman hindi nakakapagtakang umabot na sa milyon ang kaniyang followers at subscribers.  

Tinanong naman naming ang social media influencer na sino sa mga gwapong artist ana kapag bumili sa kaniya ay hindi niya pagbabayarin.  Mabilis niyang sagot,”In case po na may isang artista na ibibigay ko lahat ng  paninda ko, wala pong iba kundi si Mr. Daniel Padilla. 
"Bukod po kasi sa isa siyang napakagaling na aktor, siya rin po ay masasabi kong perpekto.. complete package po siya. na-idolize ko po siya as an actor po."

Hindi na nga mapipigilan ang pagsikat ni Bernie dahil pinasok na rin niya ang recording scene. Debut single niya ang Utang Mo na release under Star Music. Bukas din ang social media influencer na subukin ang pagiging drag queen. Sinampulan niya kami ng kaniyang performance. Nang tanungin naman kung sinong gay icon ang hinahangaan niya, sagot niya ay sina Vice Ganda at Paolo Ballesteros.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!