Christi Fider, excited sa upcoming project with Nora Aunor

by Mildred Amistad Bacud

Isa si Christi Fider sa mga nilaunch last Sunday sa Music Box kasama sina Shira Tweg at Bernie Batin. Umawit muna ng mga sariling awitin ang singer na nakapaloob sa kaniyang album. Napansin naming kaagad ang isang kanta niya na may titulong “Fake.” Sabi kasi niya ay very true to life ito kung saan nagkaroon siya ng fake friends. 

“ Actually nagsulat lang ako sa diary ko kasi sobrang nanggigil ako sa isang old friend na akala ko sisters sisters kami tapos ang dami palang sinasabi. So nagsulat lang ako ng all caps ng FAKE tapos pinakita ko kay direk Pancho and was like pwede natin “tong gawing song actually and I’m happy kasi maraming nakakarelate sa song.”

Muntik ng mag-quit sa showbiz si Christi dahil sa depression. Ano ang dahilan bakit niya piniling manatili?

“ Nasabi ko po dati sa interview ko na give up na ako dapat but I was nominated and then I won sa PMPC Star Awards for Music. Maybe ito talaga for me at kailangan kong pagdaanan para mas maging stronger pa ako kasi kung magpapadaloy lang ako sa mga bash, ang binabash lang naman sa akin mataba ako, hindi naman sinasabing pangit ako.

“Okey lang but I want to represent thick girls kasi kulang ng representation ng being thick sa industry and I want to tell people na hindi ko kailangan ng sobrang payat para makapasok ka at ituloy ang gusto mo. Let’s face it, Adelle, Maegan Trainor. So dito sa Philippines wala pang ganon. “

Isa pa sa agaw pansin ay ang kanta niyang “Reyna “ kung saan ay ginamit sa Drag Queens ng Kapamilya network

“ Sobrang saya kasi nung inappoach ko yung drag queens then nadinig nila yung song sabi nila gamitin natin ito sa performances and then si Mudrakels ng ABS ginawa nilang theme song and I’m very happy kasi marami akong friends from LGBTQ Community and sobrang sinusuportahan nila even yung Philippine drags na account lahat yun sinishare nila yun at happy ako na parte siya ng journey ko. 

Hindi lang pagkanta ang nais pasukin ni Christi, maging pelikula. Sa katunayan ay nakagawa na siya ng ilang movies kahit maikli lamang ang role. Pero ang aabangan ay ang susunod na movie project nito na ididirhe ni Jay Altajeros. Ayaw niya munang sabihin kung sinong sikat na artista ang makakasama pero napilit rin siya ng mga press na naroon. SA pekikipag-usap namin sa singer-actress na si Christi, sinabi niya na may gagawin siyang pelikula na ang magdidirek ay si Jay Altajeros. 

"Actually nu'ng ni-release ko 'yung isa kong song, parang nag-comment si Direk Jay. Sabi niya , 
"Uy , I have a role for you,"sabi ni Christi.
Patuloy niya,"Tapos nu'ng binigay niya sa akin 'yung script, I fell in love with the script.
"Sabi ko, kaya ko ba itong gawin? Kasi sobrang magugulat kayo. May kissing scene ako.
"Very challenging. Pero 'yun ang gusto ko. 'Yung tipong hindi ninyo ako makikita ru'n sa role. I'm very excited na sa movie,"
SIno ang makaka-kissing scene niya?
"Secret,"ang natatawang sagot ni Christi.
Aminado naman si Christi na kakabahan siya kapag makakaeksena niya na sa movie si Nora?
"Siyempre, sino bang hindI? Siyempre, si ate Guy yun, eh.
"Mommy ko, sobrang idol 'yun. 
"Pero iniisip ko na lang, lugar na kabahan ako, kelangan kong galingan. Dapat 1 take lang ako. Kasi kung uulitin, nakakahiya. Kailangang i-give ko 'yung 100% ko sa movie,"aniya pa
Bukod pa sa pelikula, may gagawin ding serye si Christi.
"With the series, I think they have an ongoing negotiation with Netflix,."

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!