Lizzie Aguinaldo
IN FAIRNESS, promising ang baguhang young singer na si Lizzie Aguinaldo na pwedeng-pwede ring sumabak sa pag-arte dahil havey na havey din ang kanyang talent sa acting.
First time humarap sa mga members ng entertainment media si Lizzie sa napakabonggang presscon na ginanap last Saturday, June 4, sa Luxent Hotel sa Quezon City.
Dito, pormal na ni-launch ang kanyang pagiging singer at recording artist with her debut single “Baka Pwede Na”, with lyrics and music by award-winning songwriter, Joven Tan, and released by Star Music.
Knows n’yo ba na may konek si Lizzie sa first president ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo? Yes! Ang tatay kasi niya ay great grandson ni Aguinaldo.
Sa naganap na mediacon ay natanong si Lizzie kung ano ang naging reaksyon ng kanyang pamilya nang magdesisyon siyang sumabak sa showbiz.
Baka Bet Mo: Celine Dion grateful sa bagong album, ginamit sa pelikula nina Priyanka Chopra Jonas at Sam Heughan
“They were shocked, kasi ako pa lang sa family namin ang first na nag-showbiz. But they understand naman na dream ko talaga ito, to be a singer and now, they’re very supportive,” tugon ng teenager.
Ang bongga rin ni Lizzie dahil kasabay ng launching ng “Baka Pwede Na” ay ipinakita rin sa presscon ang music video nito na idinirek din ng songwriter-filmmaker na si Joven Tan.
Ilan sa mga idol niya pagdating sa pagkanta ay sina Lani Misalucha, Regine Velasquez, Celine Dion, Alicia Keys at ang yumaong music icon na si Whitney Houston.
Love song ang “Baka Pwede Na” pero sa totoong buhay ay hindi pa siya nai-in love o nagkaka-boyfriend, “Naku, ang bata ko pa po. Ha-hahahaha!”
Pero sakaling payagan na siya ng kanyang mga magulang na makipagrelasyon, ang gusto niya sa lalaki ay, “Definitely, he has to be family oriented, kasi sobrang laki ng family namin. And also, dapat, God-fearing siya.”
Samantala, bukas din si Lizzie na ma-try ang acting, “Actually po, I auditioned po as young Darna but di ako nakuha even if I gave it my best.
“Then I auditioned sa Vilma Santos-Christopher de Leon movie and they’re willing to get me as friend ni Cassy Legaspi, but then, hindi nag-fit yung shooting sa schedule ng classes ko, so hindi natuloy,” ang nanghihinayang na sabi ni Lizzie.
Pagsasabayin ngayon ng 15-anyos na singer ang kanyang showbiz career at pag-aaral. She is now in grade 9 sa British International School na talagang suportado ang kanyang pagiging singer.
In fact, pinagawan pa siya ng kanilang school ng billboard bilang pagbati sa pagkakaroon niya ng debut single, “Nagulat nga po ako. Kasi yung billboard kasing laki ng bahay namin. Nakakatuwa!”
Ang “Baka Pwede Na” ay palagi nang pinatutugtog sa mga radio stations nationwide. Available na rin ito for download and listening sa iba’t ibang digital at online music apps.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento