Monday First Screening Premiere Star- studded
PREMIERE NG “MONDAY FIRST SCREENING” STAR-STUDDED
Napuno ng naglalakihang artista ang loob ng EVM Convention Center para saksihan ang premiere ng first ever movie ng NET25 Films- “Monday First Screening.
Matagumpay ang launch ng tinaguriang “senior citizen rom-com” movie tampok ang tambalan ng dalawang respetado at beteranong aktor sa sina Gina Alajar at Ricky Davao.
Kasama sa pelikula ang mga award-winning actor na sina Ruby Ruiz at Soliman Cruz. At kakikiligan ng mga young at hearts ang love team ni Allen Abrenica at Bb. Pilipinas 2nd Runner-Up Reign Parani.
Star-studded ang naging early access premiere dahil present ang mga NET25 artists gaya nila Ms. Korina Sanchez-Roxas, Pia Guanio-Mago, Ara Mina, Ali Sotto, Pat-P Daza, Eric Quizon, Ricky Mathay, David Chua, Regine Angeles, Devon Seron, Tonipet Gaba, Daiana Menezes, Love Añover, Emma Tiglao at Wej Cudiamat.
Full support din ang NET25 management sa pangunguna ni NET25 President Caesar Vallejos at Ms. Wilma Galvante.
Kitang-kita ang saya sa mukha ng mga nanood lalo na ng mga senior citizen na nagkaroon ng pagkakataon na mapanood ang premiere ng “Monday First Screening”.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ng mga nakapanood ng pelikula. Lahat ay positibo sa sinabi pagkatapos mapanood ang rom-com movie para sa mga senior citizen.
“Sana maraming movie ang kagaya nito na nagpapakalat ng awareness ng mga nangyayari sa mga senior citizen. Natutuwa ako na binigyan nila ng halaga ang mga senior citizen,” ani Love & Everythaaang host Love Añover.
“Iyak ako ng iyak! Dapat kung ano ang nabibigay importansya sa iba dapat ganun din sa kanila,” dagdag pa niya.
Nagpahayag naman ng pasasalamat at paghanga ang lead actors ng pelikula.
“It’s overwhelming. Nakakagulat kasi I wasn’t expecting a really big event. Sa NET25 ko naranasan. Ang laki ng theatre. Punong-puno, nakakataba ng puso. Ngayon ko lang ulit na-experience, ‘yung support, ‘yung love na natanggap namin from watching the movie,” pahayag ni Ricky Davao.
Napahanga si Gina Alajar sa “braveness” ng bumubuo ng NET25 Films para magproduce ng kakaibang tema ng pelikula.
“It talks about your parents…us..senior citizens all over the world,” pahayag ng dekalibreng aktres at director na si Gina Alajar.
Umapaw din ang tuwa ng mga senior citizens maging ng kanilang mga kasama dahil sa hatid na libreng serbisyong medikal na inihanda ng NET25 at ng mga mababait na sponsors.
Labis-labis ang pasasalamat ng NET25 Management sa mga casts at director ng pelikula at sa mga sumuporta sa premiere ng kauna-unahang pelikula ng NET25 Films.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento