Shira Tweg, pinarinig ang bagong single ; Bilib sa Kathniel

by Mildred Amistad Bacud

Kahit masama ang pakiramdam, the show must go on para sa baguhang singer/actress na si Shira Tweg. 

“ Nagba-vomit po talaga ako at nahihilo. May jetlag po kasi ako pero gusto ko po talagang magpunta dito. Commitment po kasi yun.”

Gaya ng mga kapatid sa showbiz na sina Bernie Batin at Christi Fider, naka-focus ngayon ang dalagita sa promo ng kanyang debut single titled ‘Pag-Ibig’ na komposisyon ni Direk Joven Tan. 
“The whole process po talaga, I was really grateful. Kasi po it made me pursue what I really want, what I love, being a singer.

“Kasi po since I was 3 years old, I really love to sing and to perform. So, I’m very thankfiul na ngayon po ay nagagawa ko iyon,” aniya pa.

Nagkuwento si Shira ukol sa kanyang single. “Yes po, it was just released recently and I’m happy and grateful. Yung song po is about love. Ang  message is that while love isn’t perfect, we’ll always strive to fall in love again no matter how many times we’re let down.”
Hindi lang mahusay na mang-aawit si Shira, may potensyal din siya sa pag-arte. Huli niyang ginawa ang pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) na pinagbidahan ni RK Bagatsing. Pero ikatlong pelikula na ito ni Shira.

Kuwento niya, “My first ever movie was Sugat sa Dugo directed by Danni Ugali and was produced by Miss Bambbi Fuentes (her manager) and my mom (Tine Areola).

“I have done three movies which are Sugat sa Dugo where I played the role of Anna and Tuloy, Bukas Ang Pinto, I was the young Rossana Roces there. Then iyong movie po na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko as the young Sharon Cuneta.”

Esplika pa niya, “I’ll be having many more film projects to come this year. Then I am also a commercial model, I have done Hersheys and Smart commercial.”

“Matagal ko na rin pong napag-isipan. Pero for me po, it’s not what I want. Siguro po, modelling, ‘yun po talaga ang gusto ko. 
Consistend naman si Shira sa pagsasabi kung sino ang kanyang ultimate crush.

“ Nung five years old po ako pagdating ko dito sa Pilipinas, mostly mga napapanood kong teleserye ay sa KathNiel ( Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) Crush ko po talaga si Daniel kasi hanga po talaga ako sa kaniya.”

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry