Aktres problemado sa asawang pulitiko

ni Mildred Bacud
How true na nasa ibang bansa pa rin ang aktres ngayon na sinasabing problemado diumano sa asawa nitong pulitiko?

Nabukelya kasi ni aktres na pagkatapos ng maraming taon na pagsasama nila ng asawa ay magagawa nitong pagtaksilan siya. Ang masakit pa ay kilala ng aktres si other woman.

Si other woman ay grabe naman daw sa pagkakapal ng mukha sey ng source. Paano'y feeling legal wife daw ito na sumasakay pa talaga sa kotse ni pulitiko kahit hindi naman dapat. Nagkaroon din ng matinding eskandalo ang other woman na ito pero nakalusot dahil na rin sa koneksyon. 

Hindi lamang si aktres ang lumayo maging ang anak daw nito ay sinama rin niya sa ibang bansa.

Marami namang nanghihinayang sa aktres at sa asawa nitong pulitiko dahil sa tagal ng panahon ay walang ganitong problema hanggang sa dumating si other woman sa buhay nila. Sinetch Itey nga ang mga bida natin sa blind item na ito? 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!