Tito Sotto at Joey de Leon, kampanteng mapapanalo ang kasong sinampa laban sa Tape Inc. at GMA
Maaga kaming nagtungo sa Marikina RTC para mawitness ang first hearing ng TVJ laban sa Television and Production Exponents Inc , producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.
Sina Tito Sotto at Joey de Leon lamang ang umapir kasama ng kanilang at ang isa pang plaintiff na si Jenny Ferre kasama ang kanilang legal counsels na sina Atty. Enrique dela Cruz and Atty. Isaiah Asuncion.
Matatandaang ang TVJ ay nagsampa ng kasong “Copyright Infringement and Unfair Competition under R.A. No. 8293, otherwise known as the Intellectual Property Code of the Philippines, with Application for Issuance of a Writ of Preliminary Injunction” ang TVJ sa MRTC noong June 30.
In their petition, TVJ claims that they own the copyright to the show EAT BULAGA and its underlying derivative works (music, segments, and audio visual clips) that likewise deserve protection.
Sa nasabing unang pagdinig ay naupo si Joey sa witness stand at inilahad kung paano niya naisip ang titulong “Eat Bulaga” at kung paano nila binuo ang show with its iconic songs and all its segment.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento