Angeline Quinto at iba pang singers, may benefit show sa Clownz Republik

ni Mildred Bacud

Mamayang gabi na, August 17, sa ganap na alas nuwebe ng gabi gaganapin sa Clowns Republik ang inaabangang One Night Only show ng nag-iisang Queen of teleserye theme song na si Angeline Quinto. Isa itong benefit concert, na ang part ng kikitain ay mapupunta sa The Child Haus. Isang charitable institution na malapit sa puso ng mga producers na sina Fernan de Guzman, Joey Austria at France Simeon. 

Selling  like hotcakes naman ang mga tickets dahil bukod kay Angeline ay napakahuhusay din ng kaniyang mga front acts. Nariyan ang singer actress na si  Sarah Liroe Javier, amg nagbabalik singer na si Laverne Gonzales Arceo, si Mayora Gem Castillo, PMPC Nest Mew Femalae Recording na si Christi, Shira Tweg, Cyrus Vance Soriano at Dindo Caraig. Si Romel Chika ang magsisilbing host.
Asahang kakantahin ni Angeline ang hit singles niya sa kanyang concert tulad ng At Ang Hirap, Hanggang Kailan, Patuloy Ang Pangarap, Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin at marami pang iba.
Watch na kayo ng concert, siguradong mag-i-enjoy kayo. Ang tickets ay nagkakalaga ng 1000 at 1500. Mabibili ito sa Clowns Republik.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!